Chapter 31

160 50 13
                                    

Sam

   Masaya kaming nagkukwentuhan dito sa bahay nila kuya Morris. Kasama namin yung mga girlfriend ng iba. Kami lang ni Lei ang hindi umiinom. Ako talaga nainom naman ako minsan, si Lei hindi talaga. Nag-iinom na kasi si Al, panigurado ako yung magdadrive mamaya pag-uwi.

   "Honey, ayaw nyo talagang uminom?" Tanong sa amin ni ate Maddie, ang jowa ni kuya Hayward.

   Sabay kaming umiling ni Lei. "Ako kasi magdadrive pauwi ate." Sagot ko naman.

   "Ahh..." Tangong sabi nya sabay inom sa wine glass nya.

   "Si Al ang boyfriend mo diba?" Tanong naman sa akin ni ate Stacy, ang jowa ni kuya Morris.

   "Yes ate, why?" Sagot ko ulit.

   "Wala lang." Sabi nya at binalingan si Lei. "Ikaw, si Jayson ba ang boyfriend mo?"

   "Naku, hindi po." Agad na tanggi nya.

   "Ahh... Akala ko sya eh, sinundo ka kasi nya." Natatawang sabi pa nito. "Si Kyrie ba?"

   Sa sinabi ni ate Stacy ay bigla nyang naibuga yung juice na iniinom nya.

   "Eeww ka besh." Inirapan ko pa sya. Natawa naman yung ibang kasama namin. Inabutan ko naman sya ng tissue.

   "Why, may mali ba sa tanong ko?" Natatawang sabi sa kanya ni ate Stacy.

   "Hehehe, wala naman ate."

   "Babe, musta naman kayo dyan?" Biglang sulpot ni kuya Morris sa likuran ni ate Stacy, niyakap nya pa ito sa bewang.

   "Okay lang naman, eto kwentuhan lang." Humarap si ate kay kuya Morris at nagkiss sila pero saglit lang naman.

   "Waaahhh! SPG!" Sigaw ni Lei at nagtakip pa ng mga mata.

   "Hahaha, baliw ka talaga." Ginulo pa ni kuya Morris yung buhok nya.

   "Sige, balik na muna ako dun ah." Turo nya sa mga kasama nyang uminom.

   Napatingin naman ako sa kanila. Ang abnormal kong boyfriend, maingay na. Lasing na ata. Napatingin naman kaming lahat dahil nagsasayawan sila. Si kuya Kyrie parang wala pang tama. Tibay talaga sa inuman.

   Natatawa na kami dahil hinahamon ni Al si kuya Kyrie ng showdown.

   "Aba, gusto mo ah. Pagbibigyan kita." Sabi sa kanya ni kuya.

   Nilakihan pa nila yung space nila para makagalaw sila ng maayos. Ang lalaking tao kasi nila.

   Napatanga naman kaming lahat ng sumayaw na si kuya Kyrie. Magaling pala syang sumayaw.

   "My ghad besh, di mo ko ininform, magaling pala si kuya sumayaw." Bulong ko kay Lei.

   "Well?" Mayabang na sabi ni Lei

   Nagbalik naman kaming lahat sa pwesto namin at nagkwentuhan ulit.

   "Eros." Tawag sa kanya ni kuya Kyrie.

   "What?" Sagot nya.

   "Phone call." Agad naman syang tumalima at lumapit sa inaabot ni kuya Kyrie na cellphone.

   "Eros? Akala ko ba Lei ang pangalan nya?" Nagtatakang tanong sa akin ni ate Stacy.

   "Lei Eros kasi ate yung name nya." Paliwanag ko sa kanya.

   "Ahh... close sila ni Kyrie para tawagin sya sa second name nya." Sabi pa nya.

   "Yeah." Nasagot ko na lang.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon