Chapter 15

180 56 13
                                    

Kyrie

Mukhang nakakaramdam si Jayson sa amin ni Eros ah. Yung tanong nya pa lang sa akin kanina, parang kakaiba na.

"Mukhang mabubuko kayo ni Lei ah." Sabi sa akin ni Al habang nasa sala kami ng bahay nila mommy.

"Ewan ko lang. Di naman siguro." Sagot ko sa kanya sabay inom nang juice.

"Hijo!" Matinis na tili ni mommy. Sabay naman kaming napatingin ni Al sa hagdanan. Nakita namin si mommy don kasama yung dalawang kasambahay namin. Ang dami nilang dala.

Bumeso sa amin si mommy nang makalapit sya sa amin.

"Hijo, ibigay mo tong mga to kay Lei ah?" Inabot nya sakin yung mga paper bags.

"Ang dami naman nito mom?" Sabi ko, kasi ang dami talaga.

"Ito naman sayo hijo," baling nya kay Al. "Ito para kay Sam."

"Yun, sabi na nga ba meron ulit ako eh." Masayang sabi ni Al sabay abot sa binigay ni mommy. "Salamat po tita."

"You are always welcome, Al."

"Bakit ako wala?" Reklamo ko kunyari. "Sila meron, ako wala?"

"Saka na kita papasalubungan kapag may apo na ako sayo."

Ang lakas naman nang tawa ni Al kaya tinignan ko sya nang masama.

"Joke lang, eto sayo." Kinuha ni mommy yung box sa gilid nya. "Pwede bang wala ang nag-iisang baby boy ko?"

Yan na naman si mommy, parang bata na naman kung ituring ako.

Tinignan ko kung ano yung nakalagay sa box, sunglasses pala, mahilig kasi akong mangulekta nun.

"Thank you mom." Sabi ko sabay halik sa kanya.

"Dito na lang kayo magdinner anak." Paglalambing ni mommy sakin.

"Susunduin ko pa po si Eros, baka magbuga na naman nang apoy yun pag di ko nasundo."

"Ano yun, dragon?" Natatawang tanong ni Al.

"Naku, daig pa nun dragon pag nagalit. Lumalaki yun pag galit na galit, kasing laki ni Hulk." Ginaya ko pa yung post ni Hulk.

"Hala si Lei!" Biglang sabi ni Al kaya napalingon ako sa may pintuan.

"Wahahaha!" Sabay na tawa nila ni mommy.

"Takot ka pala kay Lei eh. Ang epic nang mukha mo." Sinuntok pa ako ni Al sa braso.

"Pakyu ka!" Hinampas ko sya ng throw pillow sa mukha.

"Sige na, kung susunduin nyo pa yung mga asawa nyo. Baka matraffic kayo." Pagtataboy ni mommy sa amin.

"Sige po tita. Salamat po dito." Humalik sa pisngi nya si Al.

"Bye mom, love you." Humalik ako sa noo nya. "Regards me to dad." Tulog kasi si daddy.

"Sure. Ingat kayo."

Magkasunod yung sasakyan namin ni Al nang bumalik kami ng school nila Eros.

Nakita kong naglalabasan na yung mga estudyante. Napasimangot naman ako nang makita ko si Lei and Sam, kasama na naman yung lalaking may gusto sa asawa ko.

Nakita kong nagpaalam na si Eros kay Sam at lumapit na sa kotse ko.

"Hi!" Bati nya sakin nang makasakay sya sa kotse.

"Ikaw huh, dito pala kayo pupunta sa school namin ah." Sinundot pa nya yung tagiliran ko.

"Surprise nga diba? Kaso ako pala yung masusurprise." Sagot ko sa kanya.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon