Al
Tawa kami ng tawa ngayon sa bench dahil sa mga kalokohan ni Lei. Biruin mo ba naman ilang pirasong burger 5k ang bayad. Ngayon alam ko na kung bakit nahulog ang loob ng best friend ko sa kanya. Masayahin kasi sya.
Halftime show na at kababalik lang namin dito sa court. Magpeperform si Rihanna ngayon. Paktay ka ngayon Kyrie.
Tinignan ko si Lei, mukhang wala naman para sa kanya yung presence ni Rihanna.
Inakbayan ko naman si Sam at yumakap naman sya sakin. Kumunot yung noo ko nang parang papalapit ng papalapit samin si Rihanna habang kumakanta.
"What the hell is she doing?" Nakataas kilay na tanong ni Sam. Sinasayawan nya kasi ngayon si Kyrie ng harap-harapan. She's doing a dirty dance.
Nakita ko namang napanganga si Lei. Nang makabawi sa gulat ay tawa naman ito ng tawa. Narinig ko ring tumatawa si Sam sa tabi ko.
Si Kyrie, parang natataranta yung mukha nya ngayon. Tingin sya ng tingin kay Lei. Lumipat naman sa tabi ko si Lei.
"Bat tawa ka ng tawa?" Usisa ko sa kanya.
"Ang tigas kasi ng katawan kuya."
Aysus, kaya pala. Pinagtatawanan nya yung sayaw ni Rihanna.
"True ka dyan besh." Segunda naman ni Sam.
"Hay, magbest friend nga talaga kayo."
Tinignan na lang namin si Rihanna sa pang-aakit kay Kyrie. Hiyawan ng hiyawan yung mga tao. Iba na yung mukha ni Kyrie ngayon. Alam ko kapag napipikon na yung kaibigan ko.
Iniwan nya si Rihanna at lumapit sa tabi ni Lei. Pumunta sya sa likod ni Lei at iniyakap yung braso nya sa bewang nito. Nakita kong nanlaki yung mga mata ni Rihanna.
Nang matapos syang kumanta ay lumapit sya kila Kyrie.
"Bitch!" Malakas na sabi nya sa mukha ni Lei gamit ang microphone sabay dirty finger kay Kyrie bago umalis.
"Eros... let me explain." Sabi agad ni Kyrie pagharap sa kanya ni Lei. Gusto kong matawa ngayon dahil pagdating kay Lei nababahag yung buntot nya.
"No need to explain Kay-Kay, di naman ako galit eh." Sabay ngiti ni Lei.
"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kyrie. Tumango-tango naman si Lei sa kanya.
Napabuga ng hangin si Kyrie. "Woah, buti na lang. Kala ko galit ka na naman eh."
"Sus, ayaw pa aminin. Takot ka lang kay Lei eh." Singit ko sa kanila.
"Manahimik ka nga kalbo." Sinuntok pa ako ni Kyrie sa braso.
"Kabado ka bruh ah, let me explain agad ang line mo?" Pang-aasar ko pa rin sa kanya. Tinignan nya naman ako ng masama.
"Kyrie, who's that girl?" Napalingon kami sa nagtanong. Oh no, mga media.
"None of your business." Sagot ni Kyrie sa kanila.
"Luh besh, pano na yan?" Bulong ni Sam kay Lei.
"I don't know." Parang kabadong sagot ni Lei.
Nakita kong hinawakan sya sa kamay ni Kyrie.
"Relax mommy, akong bahala sayo." Assurance sa kanya ni Kyrie.
"Natatakot ako." Pag-amin ni Lei sa amin.
"Wag kang matakot, pagsusuntukin ko pa yan sa harapan mo eh." Biro ko sa kanya. Napangiti naman sya sakin sabay irap.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."