Kyrie
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng selos kanina nang makita ko si Eros na may kasamang lalaki. Gusto ko na silang babain kanina pero nagpigil ako dahil ayokong malaman ng iba na may asawa na ako.
Ang ending, inaway ko na naman sya. Napatingin ako sa inupuan nya kanina. What the f*ck! Nandito yung mga gamit nya. Pano yun makakauwi?
"Asar naman!" Usal ko sa sarili ko. Minsan talaga yung babaeng yun, may pagkatanga-tanga.
Nag u-turn ako upang balikan sya sa pinag-iwanan ko sa kanya kanina. Pagkarating ko doon ay wala na sya dun.
"F*ck!" I cursed. Hinampas ko pa yung manibela ko. Nagdrive na lang ako ulit baka sakaling madaanan ko yung bruha na yun. Palinga-linga ako habang nagdadrive.
Kinuha ko yung phone ko para tawagan sya. Narinig kong may tumunog kaya napatingin ako sa bag nya dahil doon nanggagaling yung tunog.
"F*ck!" I cursed again. Magdidilim na kasi at baka kung anong mangyari dun sa baliw na yun.
Nakarating na ako ng bahay pero wala pa rin sya. Nasan na kaya nagpunta yung babaeng yun?
Inaabangan ko sya sa labas ng gate namin. Almost 10pm na pero wala pa rin sya. Nag-uumpisa na akong kabahan.
Nagpalakad-lakad ako sa labas ng parang may maaninag akong tao sa malayo. Ganon na lang ang saya ko nang makilala kong si Eros iyon.
Habang papalapit sya ng papalapit sa akin ay nakita ko sa mukha nya ang matinding pagod.
"Hey, what took you so long?" Tanong ko sa kanya ng makalapit sya.
"You have the guts to ask me that question? Kasalanan mo kaya!" Bulyaw nya kaagad sa akin.
"Anong ako?"
"Talaga naman eh! Kung di mo ko inaway di ako bababa sa kotse mo. Di ako maglalakad pauwi." Pumulot sya ng bato at binato iyon sa akin. Mabuti na lang at nakaiwas ako.
"Ikaw ang gustong bumaba diba? Saka kasalanan ko ba kung tatanga-tanga ka at naiwan mo yung gamit mo sa kotse ko?"
"Wala kang kwenta!" Nagulat ako nang umiyak sya sa harapan ko. "Natiis mong paglakarin ako. Ang panget mo talagang gorilya ka. Ewan ko sayo bwisit kang lalaki ka, palibhasa para ka laging inaantok. Ang pangit mo talaga." Gusto kong matawa sa mga pinagsasabi nya. Bata pa talaga sya.
"Anong pagkain? Gutom na ako. Pag ako namatay kasalanan mo talaga yun. Napakapangit mo!"
"Pfft!" Di ko na napigilan yung tawa ko.
"Wag mo kong tawantawanan dyan." Galit na sita nya sa akin.
"Binalikan kita kanina, kaso wala ka naman na dun." Sabi ko sa kanya. Totoo naman yun eh.
"Shut up! Balikan mo yang mukha mo." Iniwan na nya ako at nagtuloy-tuloy na sa loob ng bahay.
Pumasok na rin ako sa loob. Pumunta ako ng kusina pero walang tao dun. Nasan na naman kaya yung babaeng yun?
Umakyat ako sa taas, baka nasa kwarto namin sya. Di nga ako nagkamali, nakita ko syang nakadapa sa kama.
"Eros, kain na tayo." Tinapik ko pa yung hita nya kaso mukhang nakatulog na sya.
Napatingin ako sa mga maliliit nyang paa. Namumula iyon, marahil sa haba ng nilakad nya.
Hahawakan ko sana yung paa nya ng bigla syang bumangon.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."