Lei Eros
Sakay na kami ng kotse ni Kay-Kay ngayon pauwi. Inilagay ko sa likod yung flowers na binigay nya sa akin kanina.
"Bakit ang tahimik mo?" Puna sa akin ni Kay-Kay.
"Wala lang. Abnormal din yung Kuzma na yun no?"
"Hahaha! Wag mo na lang pansinin yun."
"Buti nga sa kanya at sinampal sya. Biruin mo ba naman, hinalikan nya yung babae kanina." Hindi ko talaga akalain na tototohanin nya yung dare sa kanya ni kuya Al.
"Ganon lang talaga yun." Sagot naman nya sakin.
"Hoy, hindi maganda yung ganon no. Akala nya naman kasi porket gwapo sya ay papayag na lahat ng babae na magpahalik sa kanya." Hinalikan kasi ni Kuzma yung babae kanina.
"Makahoy ka naman sakin." Naiiling na sabi nya.
"Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Akala nyo lahat ng babae easy to get?"
"Wait a second, bakit nadamay na naman ako dyan Mrs. Irving?" Napalingon pa sya sa akin.
"Totoo naman eh." Nakanguso kong sagot.
"Eros, hindi lahat ng lalaki ganon. Lahat ng lalaki nagtitino kapag nakahanap na sila ng mamahalin nila." Paliwanag nya sa akin.
"Just like me, tinalikuran ko na yung mga girls na yan dahil nahanap ko na ang taong mamahalin ko." Nakangiting dagdag nya.
"Naku ka, Kyrie Andrew Irving ha, kaya pala may sumasayaw sa harapan mo kanina." Naalala ko si Rihanna. Natatawa na naman ako sa kanya. Galit na galit sya sa akin.
"Bakit, nakita mo bang naapektuhan ako sa ginawa nya? Hindi naman diba?"
Oo nga eh, parang ako yung napahiya ng ireject sya ni Kyrie kanina.
"San mo pala gustong kumain? Hindi pa tayo nagdidinner." Tanong nya sa akin.
"Dyan na lang oh." Sabay turo ko sa isang kainan. Hindi naman kami maarte eh. Basta ba mabubusog kami.
"Okay, sabi mo eh." Ipinark nya yung kotse sa harap ng kainan. Magkasabay kaming bumaba ng kotse.
"Damn! Pwede ba next time antayin mo akong pagbuksan ka ng pinto?" Sermon nya sa akin.
"Wag ka na ngang maarte dyan, lika na." Humawak pa ako sa braso nya.
Pagpasok namin sa kainan, tama ba ako ng nakikita? Bakit parang lahat sila ay nakatingin sa akin?
Hinawakan ako ni Kyrie sa kamay at pumunta kami ng counter. Nang makaorder kami ay humanap kami ng bakanteng upuan.
"Who's that bitch?" Rinig naming sabi nung nasa kabilang table.
"Ayan yung kaninang minura ni Rihanna. Buti nga sa kanya ang landi nya kasi." Sabi pa nung isa.
Nakita ko ang galit sa mukha ni Kyrie. Tatayo na sana sya kaso pinigilan ko sya. Hinawakan ko sya sa kamay at pinisil iyon. Ngumiti pa ako sa kanya para ipaalam na okay lang ako.
"She's so flirt! Nilandi nya si Kyrie sigurado ako dyan. Wala naman syang binatbat sa mga naging ex ni Kyrie." Hindi pa rin sila tumitigil. Konti na lang, hindi ko na kakayanin to.
"I know, she's a gold digger." Doon na napatayo si Kyrie.
"Excuse me bitches!" Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nya. Lahat naman sila ay napatingin sa amin.
"Wala ba kayong magawa sa mga buhay nyo at pati buhay ng iba ay pinapakelaman nyo? Bakit hindi nyo itry maging productive para mabawasan naman ng mga toxic dito sa paligid?"
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."