Chapter 64

74 45 31
                                    

Third Person's POV

( One month after... )

   Naiwan sa locker room si Lei upang magpalit ng kanyang uniform. Nagmadali na sya dahil hinihintay sya nila Sam sa labas. Palabas na sana sya nang itulak sya ni Penelope kaya nawalan sya ng balanse at natumba sya.

   "Penelope, wala ako sa mood makipagbasagan ng mukha ngayon, baka hindi kita matantya." Sabi nya rito at tumayo na. Lalagpasan nya na sana ito nang sinabunutan sya nito at ubod lakas na sinampal. Gaganti sana sya nang hawakan sya ng dalawang alipores nito.

   "Yan ang bagay sayo, ano ka ngayon. Masyado kasing mataas ang pangarap mo anong napala mo, edi niloko ka lang ni Kyrie. Ayaw mo pang umamin na hiwalay kayo." Galit na galit na sabi nito.

   "Are you done?" Walang emosyon nyang tanong dito. "Hindi ka pa ba nagsasawa? Araw-araw na lang, ganto ang ginagawa mo sa akin. Ano bang nararamdaman mo sa pambubully sa akin? Ikinayaman mo ba yan? Sumikat ka ba? Hindi naman diba, mas sinisira mo lang ang image mo."

   "Wala kang pakialam!" Lumagapak ulit ang kamay nito sa mukha nya. Nagulat naman sya ng pagtulungan sya ng tatlo. Napunit nila ang manggas ng uniform nya at inuntog sya sa upuan. Naramdaman nya namang may umagos na dugo sa mukha nya. Kinapa nya iyon, nanlalabo na ang mga mata nya habang hawak ang noo nyang dumudugo.

   Nakita nya namang nahintakutan ang tatlo.

   "What are we gonna do Pen, baka makick out tayo rito!" Takot na sabi nung isang kasama ni Penelope.

   "Let's get outta here! Walang magsasabi nito, okay?" Sabi naman ni Penelope at iniwan kaagad si Lei.

   Nanlalabo man ang paningin ay pinilit pa ring tumayo ni Lei. Kinuha nya yung bag nya at isinuot iyon. Pinagtitinginan sya ng ibang estudyante dahil sa itsura nya ngayon. Gulo-gulo ang buhok at duguan sya. Sira rin ang kanyang uniform.

   "Lei, anong nangyari? Bat may dugo ka?!" Pilit nyang inaaninag kung sino ang nagsasalita.

   "Steven?" Hindi sya sigurado nang tawagin nya iyon.

   "Oo ako nga." Sagot nito.

   Hindi na sya nakasagot dahil tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin.

   Bago pa sya mahulog sa sahig ay kaagad na syang naalalayan ni Steven at binuhat papunta sa clinic. Tinawagan naman kaagad ni Steven si Sam para pumunta ng clinic.

   "Anong nangyari sa kanya?" Tanong kaagad sa kanya nung nurse.

   "I don't know. Bigla na lang syang hinimatay saka may dugo rin sya sa ulo." Sagot nya sa nurse.

   "Okay, ako ng bahala sa kanya." Sagot naman ng nurse at pinalabas sya.

   "Steven, okay lang ba si Lei?" Napatingin sya sa babaeng nagsalita. Isa ito sa laging kasama ni Penelope. Si Shanlee. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.

   "Bakit?" Galit nyang tanong dito.

   "Si Penelope ang may gawa nyan sa kanya." Sumbong nito kaya lalo syang nagalit.

   "Umalis ka na bago pa kita masaktan. Hindi ka namin kailangan dito. At pakisabi dyan sa Penelope na yan, she's gonna pay for this!" Pagtataboy nya sa babae. Hindi naman iyon nagsalita at kaagad na tumakbo papalayo sa kanya. Nakasalubong pa nito ang tumatakbong si Sam kasama nito si Al.

   "What happen to Lei?" Magkasabay pang tanong ng dalawa.

   "Binugbog na naman nila Penelope kaya nahimatay. May dugo sa gilid ng noo eh." Malungkot na balita ni Steven kay Sam.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon