Kyrie
Nagising ako nang maramdaman kong wala na akong katabi. Bumangon na rin ako agad. Sabado pala ngayon, schedule ng paglalaba ni Eros. Sya kasi ang naglalaba ng mga damit namin.
Ang cute nya nga tignan kapag naglalaba ng mga jeans ko. Halos katangkad nya na yung jeans ko. Palpak lang talaga sya sa kusina, the rest is okay naman na pagdating sa gawaing bahay.
Nagbanyo lang ako saglit para maggargle. Pagkatapos ko ay bumaba na ako at dumiretso sa laundry area. Nakita ko syang paumpisa pa lang maglaba.
"Morning bru!(short for bruha) Nagbreakfast ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
Nakita kong umismid sya sa akin. "Mamaya na lang."
"Tara kumain ka muna. Maaga pa naman, 6:15am pa lang hindi tatakbo yang labahan mo." Sabi ko sa kanya.
"Baka kasi mamisplace ko yung washing." Sarcastic nyang sabi. Napakagat na lang ako sa labi ko.
"Lika na. Kain muna tayo, inaatake ka na naman ng kasungitan eh." Biro ko sa kanya. Binitawan nya naman yung mga hawak nya. Tumingin muna sya sa akin ng masama bago pumasok sa loob.
Agad naman syang kumuha ng tasa nya. Alam ko na to, magkakape na naman sya. Humila sya ng upuan at umupo doon.
"Anong gusto mong almusal?" Tanong ko sa kanya. Nakakapanibago sya, ang tahimik nya ngayon.
"Kahit ano lang." Tipid na sagot nya. Nagluto na lang ako ng fried rice tapos itlog and bacon. Good thing at apat ang burner namin kaya mabilis akong natapos.
"Nagdidate pala sila kuya Al and Sam." Sabi nya habang nakatungo sa pagkain nya.
"I know." Sagot ko sabay higop ng kape.
"What? Alam mo?" Gulat na tanong nya.
"Malamang, best friend ko si Al kaya alam ko. Bakit, wala bang kinukwento sayo si Sam? I thought bff kayo?" I smirk at her.
"Kagabi nya lang sinabi." Nakabubbly face na sagot nya. Oh my! She's so cute when doing that.
I take a sip on my coffee. When I look at her, she angrily looking back at me.
"What?" Takang tanong ko.
"Kape ko lang naman yang iniinom mo. Magkakamatayan talaga tayo ngayon." Galit nyang sabi sa akin. Oo nga pala, wala pala akong kape. Hindi pala ako nagtimpla.
"Sorry. O, ayan na yung kape mo." Inurong ko pa yung tasa sa tabi nya.
"Alam mo minsan ang sarap mong saksakin sa bunbunan eh." There she goes again, saying some brutal words, but I found it funny.
"Maiba tayo bru, aalis ako mamaya. May practice kami." Paalam ko sa kanya. Napatanga naman sya sa akin.
"Bakit na naman?" Kumunot yung noo ko sa itsura nya ngayon.
"Nakakapanibago ka. Nagpaalam ka ngayon sa akin. Usually umaalis ka na lang bigla ng walang pasabi." Parang napahiya ako sa sinabi nya. Oo, ganon ako sa kanya. Iniiwan ko na lang sya basta-basta dito sa bahay.
"Ikaw, bruha ka talaga eh. Ang dami mong napapansin." Sabi ko na lang sa kanya para pagtakpan yung pagkapahiya ko.
"Whatever!" Pairap na sagot nya sa akin.
Lei Eros
Nang matapos kaming kumain ay kaagad akong bumalik sa mga labahan ko, baka kasi maglayas silang lahat. Umalis na rin ang kingkong dito sa bahay.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."