Lei Eros
March 23, 2019
This is the big day for Kay-Kay. Birthday nya kasi ngayon.(^_____^)
Wala akong maisip na ireregalo sa kanya kaya kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Sam.
"Hello sis?" Sabi ko nang sagutin nya yung tawag.
"Bakit?" Tanong nya naman.
"Uhm, may gagawin ka ba mamaya?"
"Wala bakit?"
"Samahan mo ako, bibili ako ng gift para kay Kay-Kay."
"Okay, bibili rin ako ng gift para kay kuya eh. Sabay na tayo."
"Sige, daanan na lang kita besh, bye." Pagkatapos ng usapan namin ay agad akong naligo at nagbihis.
Pinuntahan ko si kingkong sa hawla nya. Joke lang. Nasa garden kasi sya, inutusan kong magdilig ng mga halaman. Ang bait ko diba?
"San ka pupunta?" Tanong nya agad sa akin ng makita ako.
Geez, hindi ako kaagad nakasagot. Ang hot kasi ng itsura nya ngayon. Nakatopless sya at pinapawisan na rin sya dahil sa sikat ng araw. Napalunok tuloy ako.
"Stop drooling me around. Tinatanong kita kung san ka pupunta?" Pinatay nya yung gripo at inilapag yung hose.
"May bibilhin lang ako para sa project ko." Pagsisinungaling ko. Ayoko kasing malaman nya na bibilhan ko sya ng regalo. Surprise nga diba?
"Aalis ka talaga? Di mo ko isasama?" Nakataas kilay na tanong nya.
Umiling naman ako. "Hindi."
"Grabe, iiwan mo talaga akong mag-isa dito?" Mukhang nagtatampo na sya.
"Oo nga, ayusin mong magdilig dyan ah." Utos ko pa sa kanya.
"Oo na." Nagmamaktol na sabi nya at padabog na kinuha ulit yung hose.
"Birthday na birthday ko iiwanan ako dito sa bahay." Narinig kong bulong nya kaya napangiti ako.
"Anong binubulong mo dyan?" Kunyaring sita ko sa kanya.
"Wala, ang sabi ko wala kang naaalala ngayong araw?" Lumingon sya sa akin.
"Wala naman, bakit?" Patay malisya kong sabi.
"Sabi ko nga wala." Laglag ang balikat na tumalikod sya ulit. Ang cute nya naman.
"Sige, aalis na ako. Wag ka na namang gumala ah." Bilin ko sa kanya.
"Sama na kasi ako." Giit nya na naman ng humarap pa sya sakin ulit.
"Ayoko nga, ayoko ng may kasamang labas ang underwear." Sabi ko sabay alis sa harapan nya. Pano naman kasi, kitang-kita ko yung underwear nya eh. Sino ba kasing nagpauso ng ganyang porma. Yung parang malalaglag na yung shorts pero hindi naman.
So I just drive Kay-Kay's car. Eto trip kong gamitin ngayon eh, ang audi nya wahahaha. Marami naman syang kotse kaya okay lang yan sa kanya.
Gaya ng napag-usapan namin ni Sam, sinundo ko sya sa bahay nila.
"Gaga ka, ikaw pala yan. Akala ko si kuya Kyrie. Kotse nya kasi gamit mo." Sinabunutan nya pa ako.
"Tange, tinakas ko lang to." Natatawang sabi ko.
"Nasan si kuya?"
"Nasa bahay, nagdidilig." Kampanteng sagot ko.
"Huwaw besh! Kyrie Irving, pinagdidilig lang ng halaman?" Di makapaniwalang sabi nya.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."