Lei Eros
Grabe na talaga syang makapagsalita sa akin. Hindi ko naman sinadya na maging pink yung mga damit namin.
Kinuha ko yung susi ng kotse ko. Ayoko syang makasama ngayong gabi.
Pasakay na ako ng kotse ng may humawak sa braso ko.
"Where the hell do you think you're going?" Madilim na mukhang tanong nya sa akin.
"Kahit saan basta malayo sayong kingkong ka!" Bulyaw ko sa kanya. Binawi ko yung braso ko pero hinaklit nya ulit iyon.
"Walang aalis!" Hinila nya ako papasok ulit ng bahay. Inagaw nya pa sa akin yung susi ng kotse ko.
"Ano ba, nasasaktan na ako ah." Reklamo ko sa kanya.
Ang balasubas bigla akong binitawan patulak kaya muntikan na akong masubsob.
"Bwisit ka talaga!" Sinugod ko sya kaso nahawakan nya ako sa noo. Pilit kong inaabot yung katawan nya kaso hindi ko talaga iyon maabot. I'm so helpless now kaya tumigil ako sa ginagawa ko.
"Pfft! O, edi napagod ka din sa kalokohan mo." Tinignan ko sya ng masama.
"Tara na kumain na tayo." Nauna na syang pumunta sa kusina.
"I'm sorry." Mahina na sabi nya pero sakto na iyon para marinig ko. Henebe, kinikilig ako. Ngayon lang sya nagsorry sa akin ah.
Sumunod na rin ako sa kanya sa kusina. Kumain kami nang tahimik. May time na napapatingin ako sa kanya.
"Nakakakain ka ba ng maayos?" Napatingin na naman ako sa kanya.
"Bakit?"
"Kanina mo pa ako palihim na tinitignan eh." Di ko naman sya nakitang tumitingin sa akin ah. Pano nya nalaman?
"I was just wondering, kelan pa nagpatattoo si kingkong?" Napaawang yung gilid ng labi nya.
"Ah ganon? Kung busalan ko kaya yang bibig mo ngayon. Umpisa ka na naman ah." Pikon na sabi nya sa akin. Hindi ko mapigil yung ngiti ko.
Nagkatinginan kaming dalawa, hanggang sa sabay kaming tumawa.
"You're really crazy!" He said behind his laughs.
Nahinto yung pagtawa namin nang tumunog yung phone nya. Tumingin sya sa akin.
"Go ahead." Signal ko sa kanya para sagutin nya iyon, kaso hindi nya naman sinagot. Pinatay nya yung phone nya.
"Bat di mo sinagot?" Takang tanong ko sa kanya. Mamaya importante yung tawag.
"Di naman importante yun." Sagot nya. Tumango lang ako sa kanya. Nagpatuloy na kami sa pagkain.
Nagliligpit na ako ng lamesa nang magring naman yung telephone sa kusina. Sinagot naman iyon ni Kyrie.
"Hello... Okay po." Sabay tingin sa akin. "Sige po. Punta na lang po kami bukas after ng laro namin... Sige po. Love you too." He ended the call.
"Sino yun?" Tanong ko sa kanya.
"Si mommy. Dun daw tayo bukas magdinner sa bahay and I said yes."
Tumango-tango lang ako sa sinabi nya. Tinapos ko na yung pagliligpit ko. Pagkatapos kong maghugas ng plato ay umakyat na ako ng kwarto para maglinis nang katawan at magpalit nang pantulog.
Paglabas ko nang kwarto ay narinig kong sumipol si Kyrie. Tinignan ko naman sya nang masama.
"Pervert!" Asik ko sa kanya. Nakapajama naman ako saka nakasando.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfic"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."