Lei Eros
Nandito na kami sa canteen. Inaantay namin ni Sam si Steven dahil sya na ang umorder ng pagkain namin.
Tinitignan ko si Steven habang nakapila sa counter.
Gwapo rin naman sya, matangkad. Boy next door din kaya nga maraming may crush sa kanya eh. Lumingon sya samin at ngumiti. I smiled back too.
"Oy, ano yang ngitian nyo? Ang usapan, pagseselosin si kuya, hindi yung magkagustuhan kayo." Pagtataray ni Sam sakin.
"Baliw ka rin no? Ngumiti lang gusto na agad-agad?"
"Ah basta team LeiRie pa rin ako." Nakangusong sabi nya.
"What? Ang corny mo ah." Inirapan nya lang ako.
Maya-maya ay dumating na rin si Steven dala yung pagkain namin. Sa tabi ko sya umupo.
"Wait guys, picture muna tayo!" Masayang sabi ni Sam.
"Sige." Game na game naman si Steven. Umakbay pa sya sa akin.
"Okay. 1, 2, 3, smile!" Sabi ni Sam sabay click.
"May I see?" Si Steven. Inabot naman sa kanya ni Sam yung phone.
"First picture nating tatlo to." Nakangiting sabi pa nya. Lumabas tuloy yung maganda nyang mga ngipin.
"Akina, ipopost ko lang. Itatag ko na lang kayong dalawa." Tapos tinignan ako ni Sam ng makahulugan.
"So, let's eat?" Pinagkiskis pa ni Steven yung mga palad nya.
"Okay." Sabay naming sagot ni Sam.
Habang kumakain kami ay inaasikaso ako ni Steven. Gentleman din pala sya. Nagkwentuhan rin kaming tatlo at nakita kong okay na rin sya kay Sam.
"Lei, nakakakain ka pa ba?" Nagulat ako sa tanong ni Steven.
"Yeah, why?"
"Kanina mo pa kasi ako tinitignan eh." Napatikom naman ako ng bibig. How did he know? Di ko naman sya nakitang tumitingin sa akin.
"Ah, hindi ah. Wag ka ngang feeling dyan."
Nagkibit lang sya ng mga balikat. Nagfocus na lang ako sa pagkain ko at hindi na rin tumingin pa sa kanya.
—————
"Besh, ang dami ng likes ng picture natin!!" Tiling balita sa akin ni Sam.
"Sus, parang yun lang."
"Ewan ko sayo." Sabi nya sabay irap sakin.
"Pero besh sa tingin mo, nakita na kaya ni kuya Kyrie to?" Bulong na tanong nya sakin.
"Aba malay ko."
"Si Al kasi pinusuan na nya eh." Kinikilig na sabi nya.
"Ang harot mo. Malamang jowa mo yun eh. Alangan namang pusuan yan ni Kay-Kay tapos may nakaakbay pa sa asawa nya."
"Oo nga no." Kinagat nya yung ibabang labi nya. Di na lang ako sumagot.
Patapos na yung last subject namin nang kalabitin ako ni Sam.
"What?" Mahina kong sabi.
Ipinakita nya sakin yung screen ng phone nya. Chat ni Kyrie iyon.
WHO IS THAT F*CKING GUY?
"Besh, capslock lahat para ramdam mo ang galit, hahaha." Parang wala lang kay Sam na sabi.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfic"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."