Kyrie
"O Kay-Kay, okay na yung mga gamit mo." Sabi sa akin ni Eros. Inaayos nya kasi yung mga gagamitin ko kapag aalis o kaya may laro ako.
"Thank you mommy." Sabi ko sa kanya. Nagmake face lang naman sya sakin.
"Pano, alis na ako. Kita na lang tayo sa laro mamaya." Paalam ko sa kanya.
"Okay." Tangong sagot nya.
"Antayin mo na lang sila Sam para daanan ka nila at nang maisabay ka nila." Bilin ko sa kanya. Tumango lang naman sya.
"And one more thing." Sabi ko pa sa kanya.
"What?" Napahinto sya sa pagpasok sa banyo.
"Sabay tayong uuwi mamaya ah?"
"Okay." Tipid na sagot nya na naman.
Lumapit ako sa kanya at huminto nang nasa harapan na nya ako mismo. Ikinulong ko yung mukha nya sa mga palad ko. Pinagdikit ko rin yung noo naming dalawa.
"Wala man lang akong kiss?" Sabi ko sa kanya. Nakita kong napangiti sya.
Tinawid ko yung pagitan ng mga mukha namin at nagdikit ang mga labi namin. Medyo matagal din ang halik na iyon bago kami bumitaw sa isat-isa.
"God, parang ayoko nang umalis." Sabi ko sa kanya habang hinahalik-halikan ang mga labi nya.
"Baliw, sige na. Baka matraffic ka pa." Pagtataboy nya sakin.
"Di pa rin marunong humalik si misis ko ah." Kantyaw ko sa kanya.
"Edi maghanap ka nang marunong!" Pagsusungit nya sa akin.
"Ayoko nga, ikaw ang gusto ko eh." Sa sinabi ko ay kagad ko na naman syang hinalikan. Nag-eenjoy na ako nang awatin nya ako.
"Hey Kay-Kay. Stop it." Saway na nya sakin.
"Why?" Angal ko naman.
"Anong why? Sipain ko lungs mo eh. Diba aalis ka? Umalis ka na at maliligo na rin ako."
"Kaurat naman!" Maktol ko. "Sige na nga, bye." Humalik lang ako sa kanya nang mabilis.
"Drive safely Kay-Kay." Bilin nya sakin bago ako tuluyang makalabas nang kwarto.
"Yes boss." Sumaludo pa ako sa kanya.
—————
"Hey!" Bati sakin ni Jayson nang umupo ako sa bench sa may gilid nang dug-out namin.
"Hey!" Ganting bati ko rin.
"Makakarating ba sya?" He emphasized the word 'sya'.
"Yes, why?" Napahinto ako sa pagsusuot nang medyas ko.
"Nothing. May the best man win Kyrie." Inilahad pa nya yung kamay nya sakin.
"Tss! Okay, may the best man win." Tinanggap ko yung kamay nya.
"Anong pinag-uusapan nyo dyan?" Bumungad sa pinto si Al. Nandito na sya, ibig sabihin nandito na rin sila Eros.
"Wala." Sabay naming sabi ni Jayson.
"Laking tao napakachismoso." Sabi ko pa sa kanya.
Binato nya naman ako nang nahawakan nyang bottled water, buti na lang at nasalo ko iyon.
"Gago, pag nabasa lang talaga ako, humanda ka na sa pagalit ng little witch sayo." Sabi ko sa kanya.
"Nasa labas na si little witch mo." Sabi nya naman sakin. Napatingin naman ako kay Jayson na kaagad tumayo sa tabi ko at lumabas.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."