Chapter 42

150 47 29
                                    

Kyrie

   Nagsiuwian na ang mga bisita pati yung mga staff ng programa. Naiwan na lang dito sila Sam at Al. Dito na rin kasi sila matutulog katulad namin.

   Mag-isa akong pumunta ulit sa trophy room namin ng may tumapik sa likuran ko, si daddy pala.

   "Anak." Tawag sakin ni daddy.

   "Bakit dad?"

   "Natatandaan mo ba lahat ng nandito?" Nakangiting tanong nya sa akin.

   "Opo dad. Lahat." Sagot ko sa kanya. Katahimikan ang naghari. Tinignan lang namin yung mga trophy na nakadisplay.

   "Kamusta buhay may asawa anak?" Nakangiting tanong ni daddy sa akin.

   "Masaya po dad." Totoong sagot ko.

   "Hindi ka na ba galit sa akin dahil pinakasal ko kayo ni Lei?"

   "Hindi na po dad. Tama po kayo sa sinabi nyo. Mabuti po syang tao at nagpapasalamat ako sa ginawa nyo. Ngayon ko lang po naappreciate yun. Sorry po dad dahil hindi ko kayo inintindi dati. Inisip ko lang po ang sarili ko."

   "You're forgiven anak. Anak kita eh." Naluluhang sabi nya at inuga pa yung mga balikat ko.

   "Thanks dad. You're the best." Sabi ko sa kanya at niyakap sya.

   Sabay naman kaming napalingon sa pinto ng marinig namin yung sigawan mula sa labas tapos ay malalakas na tawanan naman.

   "Let's go outside, mukhang masaya sila doon anak." Yaya sa akin ni dad. Inakbayan nya naman ako habang papunta kami ng sala. Kaya naman pala yung bruha kong asawa na naman yung pasimuno ng kaingayan.

   Sumasayaw lang naman sya ng puro kalokohan at tawang-tawa silang lahat dun. Di ko rin napigil yung tawa ko.

   "Bruha ka talaga." Nasabi ko na lang habang tumatawa. "Pag ako sumasayaw ng ganyan nahihiya ka."

   "Kasi naman pag nasayaw ka naghahanap ka ng baging." Asar na sagot nya sakin kaya nagtawanan na naman sila pati si daddy sa tabi ko.

   "Bakit, magaling naman sumayaw si Kyrie ah?" Sabi ni ate Asia.

   "Magaling nga ate kaso pagkatapos, lumalambitin eh." Sagot nya kay ate.

   "Ah ganon?" Bago pa sya nakatakbo ay nahawakan ko na sya sa braso.

   "Waaaahhhh! Joke lang yun!" Sigaw nya dahil hinagis-hagis ko sya sa ere.

   "Kay-Kay!!!" Tili nya pa rin. Tawa ng tawa sa amin yung mga kasama namin.

   "Bwisit ka Kyrie Andrew!!!!" Tili nya sa pangalan ko pero di ko pa rin sya tinitigilan.

   "Isa, pag ako tumama sa kisame!" Bilang nya sa akin.

   "Ayoko na!!!" Ubod lakas na sigaw nya kaya hininto ko na yung ginagawa ko sa kanya. Hinahampas-hampas pa nya yung dibdib nya.

   "Walangya ka. Wala ka talagang awa sakin." Umiiyak na sabi nya kaya lalong nagtawanan sila mommy.

   "Hahaha, iyakin." Sabi ko sa kanya at kinabig sya payakap.

   "Bwisit ka, pagkatapos mo ko paiyakin papakiligin mo naman ako." Pinagpapalo nya pa ako sa braso.

   "Ayieh, ang sweet naman nila. Nakakainggit." Sabi ni Sam.

   "Nainggit ka? Tara hug din kita." Sabi naman sa kanya ni Al at niyakap nga sya.

   "So ano to? Ako lang walang partner?" Nakapamewang na sabi ni ate Asia. Kumalas naman ng yakap si Eros sa akin at lumapit kay ate.

   "Tara teh hug kita." Nagyakap nga silang dalawa.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon