Chapter 30

167 52 9
                                    

Steven

Masaya ako at naging kaibigan ko na sina Lei at Sam. Aminado ako na malaki talaga ang pagkagusto ko kay Lei pero ilang beses nya na rin akong nireject sa tuwing sasabihin kong gusto ko sya.

Mabuti nga kahit ganon ay hindi nya ako iniiwasan. Ayos na rin iyon sa akin kahit papaano. Susubukan ko na lang tanggapin na hanggang friends na nga lang talaga kami.

Pero hindi maalis sa isipan ko kung ano ba talaga ang kaugnayan nya kay Kyrie Irving. Nagkataon lang ba talaga o sadyang may something?

Naalala ko yung interview kila Kyrie dati nung dinescribe na ni Kyrie yung babaeng gusto nya, nagkataon lang din ba lahat ng yun na tugma lahat ng sinabi nya sa physical aspect ni Lei?

Kung may something nga, bakit nila itinatago? Ang gulo ah. Malalaman ko rin yan.

"Ang lalim ng iniisip mo ah." Puna sa akin ni Lei sabay sandal ng ulo sa braso ko. See? Sino ba namang hindi mahuhulog sa babaeng to. Napakasweet kasi.

"Hindi naman." Sagot ko.

"Gutom na ata kaya natutulala." Sabi naman ni Sam sabay tawa.

"Oo nga eh, nakakagutom yung mukha ni Sam." Asar ko sa kanya. Bigla naman nya akong binato ng chips sa mukha.

"Pikunin!" Asar ko pa sa kanya.

"Tama na yan, baka kung san na naman mapunta yang asaran nyo." Awat sa amin ni Lei.

"Oy, sama nyo naman ako sa panonood nyo ng live sa all-star." Sabi ko sa kanila. Alam kong manonood yan silang dalawa. Nakita ko namang nag-iba sila ng ikinilos. Ano bang itinatago nilang dalawa.

"Hay naku wag na, libre lang yung ticket namin dun." Pagsusungit ni Sam sa akin.

"I can buy my ticket. Gusto mo VIP pa." Sagot ko sa kanya. Hindi naman sa pagmamayabang pero mayaman ang parents ko.

"Naks, ikaw na mayaman." Sinuntok pa ako sa braso ni Lei pero mahina lang naman.

"Ano, sama nyo na ako ah?" Pilit ko sa kanila. Nakita kong nagtinginan muna sila.

"Uhm, sure ka ba? Baka kasi maboring ka." Sabi sa akin ni Lei.

"Ako, maboboring? You know how I love basketball, right? Besides, idol ko si Kyrie Irving." I gave emphasized sa pangalan ni Kyrie.

"O-okay. Ikaw bahala." Utal na sagot ni Sam.

"Yun!" Masayang sabi ko. Pasimple kong tinignan ni Lei.

"Di ka naman uhaw no?" Puna ko sa kanya dahil malapit nya nang maubos yung juice nya sa isang inuman lang.

"Hehehe. Di naman." Alanganing sagot nya.

Nagkibit lang ako ng balikat at nagpatuloy na sa pagkain.

Nang mag-uwian na, ipinarada ko sa di kalayuan yung kotse ko. Inabangan kong dumating yung sundo ni Lei. Naging alerto naman ako nang matanaw kong dumating na iyon.

Nagtataka talaga ako kasi kahit kelan, hindi ko nakitang bumaba yung driver nun. Tapos fully tinted pa yung mga bintana.

"Sh*t!" Napamura ako dahil hindi ko talaga matanaw kung sino yung driver nun. Hanggang sa nakaalis na lang sila ay wala akong nakita.

Susundan ko na lang sila para malaman ko kung sino yung kasama nya.













Sam

Mukhang hindi to maganda ah. Sasama sa amin manood si Steven ng live. Parang may kakaiba sa kanya, ewan ko kung napapansin iyon ni Lei.

Pagkatapos ng class namin ay agad kaming lumabas ng room ni Lei.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon