Chapter 43

174 48 14
                                    

Lei Eros

   Start na ng play-offs. Busy na masyado si Kay-Kay at kuya Al sa practice nila. Indiana Pacers ang kalaban nila.

   Nangalumbaba ako at bumuntong hininga.

   "Ang lalim naman nun besh." Puna sa akin ni Sam. Nasa conference room kami ngayon para sa lesson namin pero wala naman akong naiintindihan.

   "Bakit ba besh? Kanina ka pa tahimik." Tanong nya pa sa akin.

   "Si Kyrie kasi." Nakanguso kong sabi sa kanya.

   "Ow, what about kuya Ky?" Nakataas kilay na tanong nya.

   "Buti ka pa nahahatid sundo pa rin ni kuya Al, samantalang sya, wala talaga." Nangalumbaba ulit ako.

   "Naku besh, nagseselos ka ba sa pagbabasketball ni kuya?" Natatawang tanong nya.

   "Hell no, alam ko namang gustong-gusto nya yun. It's just like, I miss him."

   "Eeee!!! Kaya naman pala. Namimiss nya ang asawa nya." Impit na tili ni Sam.

   "Gaga, naintindihan ko naman yung sitwasyon namin eh. Namimiss ko lang talaga sya. Gumawa pa naman ako ng bagong baging nya."

   Sa sinabi ko ay agad naman akong binatukan ni Sam.

   "Aray ko naman!" Angal ko habang hinihimas yung likod ng ulo ko.

   "Gaga ka kasi, puro ka kalokohan." Natatawang sabi nya. Nagmake face lang ako sa kanya.

   "Magmall na lang tayo mamaya besh after ng class. Di naman nila tayo susunduin eh." Ang cute ni Sam, talagang parang kinikilig pa sya eh.

   "Sige, go ako dyan." Nag-apir pa kami.

   "Okay, Ms. Griffin and Ms. Irving." Tawag sa amin ni ma'am kaya sabay kaming napatingin sa unahan.

   "Is the law of ethics important to us?" Tanong sa amin ni ma'am kaya napatayo kaming dalawa. Tinaasan pa nya kami ng kilay. Parang sinasabi nya sa amin na 'di kayo nakikinig ah.'

   "Why do I care ma'am?" Marahas na sagot ni Sam. Sira ulo talaga tong babaeng to. Narinig ko naman yung pigil na tawanan ng mga kaklase namin.

   "Get... the... hell... outta here!!!" Mariing taboy sa amin ni ma'am.

   "Okay." Kibit-balikat na sabi ni Sam. "Tara na besh." Baling nya naman sa akin at hinila pa ako sa kamay.

   "Wait lang." Sabi ko at kinuha lahat ng gamit ko. Napalingon ako kay Steven, ngiting-ngiti ang loko. Nagthumbs up pa sya kay Sam, sinuklian naman iyon ng kindat ni Sam.

   Naglalakad na kami sa hallway nang magsalita si Sam.

   "Hay, ang aga ng break time natin ah? Sabagay, break na natin after ng braguda na yun."

   "Sira ulo ka besh, baka ibagsak tayo nun. Yari talaga tayo nito." Alalang sabi ko.

   "Hindi yan." Kumpyansang sagot nya. Kinindatan nya pa ako. Hindi na lang ako umimik. Narinig ko namang tumunog yung phone ko. Si Kay-Kay natawag.

   "Zup!" Bati ko sa kanya.

   "Parang tropa lang boss ah?" Tawa nya sa kabilang linya.

   "Iloudspeaker mo nga besh." Singit ni Sam dahil nahihirapan syang yumuko para makichismis. Yun nga ang ginawa ko at huminto kami sa gilid ng hallway.

   "Wala kayong klase? Mamaya pa break time nyo ah?" Tanong ni Kay-Kay sa kabilang linya.

   "Meron!" Inunahan ako ni Sam na sumagot. Pinanlakihan ko sya ng mga mata.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon