Lei Eros
Tulad nga ng sinabi ni kingkong, hinatid nya ako sa school. Umalis din sya kaagad dahil baka matraffic daw sya.
Nakita ko na naman ang bff ko na blooming masyado. Agad ko syang nilapitan.
"Morning besh." I greeted her.
"Good morning din besh." Nakangiting bati nya rin sa akin. Mukha na naman syang masaya ngayon.
"Besh may guesting sila ngayon." Kinikilig na balita nya sa akin.
"Alam ko po madam. No need to shout." Ang sakit sa tenga ng tili nya eh. Ngumuso lang naman sya sa akin.
Naglalakad kami sa hallway nang biglang may lumundag sa harapan namin.
"Hi Lei, sabay na ako sayo." Si Steven na naman. Wala namang problema sakin yun, sasabay lang naman. Tumango lang ako sa kanya.
"Yown!" Sumuntok pa ito sa hangin. "Lei, kelan mo ba ako sasagutin?" Napairap ako sa kanya.
"Kapag hindi na mainit ang sun." Sagot ko sa kanya.
"Luh? Imposible naman yang sinasabi mo." Kumamot pa sya sa batok nya. Kilala si Steven sa school dahil sa pagiging babaero nya.
"Exactly!" I uttered. "Imposibleng maging tayo."
"Wahahaha!" Malakas na tawa naman ni Sam. Tinignan sya ng masama ni Steven, pero ang bruha wala lang sa kanya at tawa pa rin ng tawa.
"Masayahin yung friend mo no?" Comment nya sa pagtawa ni Sam.
"Sige Lei, may pupuntahan pa pala ako." Biglang paalam ni Steven. Akala ko ba gusto nyang sumabay samin?
"Laugh trip talaga yung sagot mo besh!" Tinulak pa ako ni Sam.
"Feeling kasi masyado. Isasama nya pa ako sa mga naging babae nya."
"True besh! Kala nya lahat ng babae ay mahuhumaling sa kagwapuhan nya."
"Kaya nga, di nya alam may kingkong na ako sa bahay." Dahil sa sinabi ko ay tawang-tawa na naman ang gaga.
"Gaga ka talaga besh, bakit naman kingkong?" Nagpahid pa sya ng mata dahil naluha na sya kakatawa.
"Ganon talaga. Bilisan na nga natin." Sabi ko na lang sa kanya.
—————
Kumakain kami ngayon sa canteen nang sumulpot na naman si Steven sa harapan namin.
"Pashare ng table." Bago pa kami makareact ni Sam ay nailapag nya na yung pagkain nya sa lamesa. Tumabi pa sya sa akin ng upo.
Sabay kami ni Sam napatingin sa malaking tv sa canteen.
"Ayieh! Ayan na sila besh." Kinikilig na naman ang gaga.
"Fan rin pala kayo ng celtics?" Tanong ni Steven.
"Oo, kaya wag kang maingay dyan." Gusto kong tumawa dahil sa pambabara ni Sam kay Steven.
About sa basketball lang naman yung interview. Tapos kulitan nila. May time na natatawa yung mga students dahil sa kakulitan nila.
"Eto na, I'm sure yung mga fans nyo ay interesado sa mga love life nyo ngayon." Sabi ng host sa kanila. Nakita kong kilig na kilig si Sam. Yung mga schoolmates naman namin ay tutok na tutok rin.
"Ikaw Al, taken or single?"—Host.
"Taken." Maikling sagot ni kuya Al.
"Who's the lucky girl?"—Host.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."