Lei Eros
Nakayuko ako ngayon habang nakaupo dahil hindi ko kayang salubungin yung mga tingin sa akin ni Jayson.
Inaya nya akong makipagkita sa kanya ngayon. Pumayag naman ako dahil break time naman namin.
"Titignan mo na lang ba ako pailalim buong oras? Wala ka bang gustong sabihin?" Tanong nya sa akin. Lihim kong nakagat yung ibabang labi ko.
"Look Jayson..." umpisa ko, pero hindi ko na alam yung susunod na sasabihin ko.
"Lei Eros D. Irving." Bigkas nya sa buong pangalan ko habang nakapatong yung baba nya sa mga kamay nya. Tinitignan nya talaga ako nang matiim ngayon.
"Tatanungin kita ulit ngayon. Anong kaugnayan mo kay Kyrie?"
Hindi ako makapagsalita. Kinakabahan ako na hindi ko maexplain. Bakit pa kasi ako pumayag na makipagkita sa kanya eh.
"Uhm, si Kyrie yung nagbigay ng wrist watch mo diba? Don't lie to me dahil nahawakan ko mismo iyan." Sabay turo nya sa relo ko. Nahawakan ko naman iyon nang di sinasadya. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
"Bakit ba? Ano bang gusto mong malaman?" Thank god, nakapagsalita na ako.
"Okay, since tinanong mo iyan, gusto ko lang malaman kung ano talaga ang koneksyon mo kay Kyrie?"
Huminga muna ako nang malalim bago sumagot.
"He is my husband!" Sabay tingin ko sa kanya nang diretso.
Nakita kong nanlaki yung mga mata nya at napanganga pa sya. Parang bombang sumabog sa kanya yung sinabi ko.
"Wait, wait. Okay. Okay." Sabi nya with hand gestures.
"Tama ba yung narinig ko?" Paglilinaw nya sa akin. Tumango lang naman ako.
"What? Kelan at paano?" Gulong-gulo na tanong nya sa akin.
"We're secretly married. Basta mahabang kwento. Yun lang ang masasabi ko sayo. Sorry Jayson pero hindi ko intensyon na lokohin ka." Paliwanag ko sa kanya. Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Parang ang lalim nang iniisip nya ngayon.
"Jayson," tawag ko sa kanya.
"Hmm?" Tumingin ulit sya sakin.
"Ngayong alam mo na yung tungkol samin ni Kyrie, pwede bang isikreto na lang natin to?" Pakiusap ko sa kanya.
"Sure, in one condition?"
"What?" Kinakabahan ako sa condition na yan ah.
"Wag mo akong pigilan na mapalapit sayo." Hinawakan pa nya yung kamay ko na nakapatong sa lamesa.
"Sus, yun lang ba? Oo naman. Friends tayo eh." Sabi ko. Talagang sinadya kong sabihin na friends kami dahil ayokong umasa sya na magkakaroon nang something sa aming dalawa dahil baka sakalin ako ni kingkong.
"Okay, friends." Nakita kong napangiwi sya nang sabihin nya iyon.
"Friends." Nakangiting sabi ko rin sa kanya.
"Pano, balik na ako sa school. Baka malate ako eh." Tumango naman sya at sabay kaming tumayo.
Sakay ako nang kotse ni Jayson. Hindi ko mapigil na hindi sya tignan.
"Kanina ka pa tingin nang tingin sakin." Biglang sabi nya pero nakatingin pa rin sya sa daan. Pano nya nalaman? May mata ba sya sa pisngi?
"Hindi ah." Pagtanggi ko.
"We're here." Sabi nya at ihininto ang kotse nya sa may di kalayuan sa school.
"Okay, thank's." Sabi ko sa kanya. Bubuksan ko na sana yung pinto nang magsalita sya.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."