Chapter 70

78 44 10
                                    

Lei Eros

Nakapangalumbaba ako habang nakikinig sa prof namin, ay mali pala dahil walang pumapasok sa utak ko ngayon. Iniisip ko kasi si kingkong, baka drawing na naman yung sabi nyang susunduin nya ako. Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin na lang ako sa board.

"Ms. Irving!" Rinig kong sabi ng prof namin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo, nakailang tawag na ako sayo ay hindi mo ako pinapansin." Sermon nya sa akin.

"Sorry po." Nahihiyang sabi ko. Si Sam naman ay nakatingin lang sa akin.

"Ow, I get it, mali pala ako. Mrs. Irving pala. Sorry, my bad." Tukso sa akin ni sir kaya naghiyawan ang mga classmates ko.

"Luh si sir, muntanga." Pairap kong sabi sa kanya.

"Namumula ka besh." Tukso rin sa akin ni Sam habang may malapad na ngiti. Siniko ko naman sya pero nagflip lang sya ng buhok sa akin.

"Ikaw naman Lei, wag mo masyadong isip yun, mahal ka rin nun." Tukso pa rin sa akin ni sir kaya pati mga classmates namin ay nakikiasar na rin tuloy.

"Sir, magturo ka na nga." Nahihiya na talaga ako ngayon, nasa akin kasi ang spotlight eh.

"Pahingi ako ng autograph ni Kyrie ah." Hindi pa rin sya tumitigil.

"Opo sir. Magturo ka na." Sabi ko ulit sa kanya dahil ramdam ko na ang pamumula ng mukha ko ngayon.

"Okay, ready ka na bang makinig?" Pang-asar pa rin yung mukha ni sir. Tumango na lang ako para hindi na humaba yung issue nya sa akin. Buti na lang at last period na rin namin.

Nagturo naman na ulit si sir at tinawag ulit ako.

"Okay Mrs. Irving," puno na naman ng pang-aasar yung boses nito kaya umingay na naman yung mga classmates ko. "solve number 1."

Utos nya sa akin kaya tumayo na ako at pumunta sa harapan. Inabot naman ni sir sa akin yung pentel pen na ngiting-ngiti. Trip nya talaga ako ngayon.

Nang matapos ako ay ipinakita ko kay sir yung sagot ko.

"Wow, ang galing ah." Puri nya sa akin. "Inspired na inspired ah." Tukso nya na naman ulit.

Ibinalik ko kay sir yung pentel pen at inirapan sya ng mariin. Tumawa lang naman si sir.

Nagtawag pa sya ng iba kong kaklase hanggang sa marinig na namin ang bell.

"Class, answer pages 58-68." Bilin sa amin ni sir.

"Grabe ang dami naman." Nakabusangot na reklamo ni Sam.

"Maganda nga yun eh, para magfunction naman ng mahaba-haba yang utak mo." Asar sa kanya ni Steven.

"Anong sabi mo?" Akmang susugurin nya si Steven nang awatin ko sya.

"Stop it! Uwian na, mag-aaway pa kayo." Saway ko sa kanila.

"Yan kasing tukmol na yan, porque matalino lang sya ang yabang-yabang." Gigil na gigil na sabi ni Sam.

"Oy grabe ka sa tukmol, ang gwapo ko kaya." Nagpogi sign pa ito kay Sam sabay kindat, dahilan para lalong mainis yung isa.

"Ewww!" Maarteng react naman ni Sam at umakto pang nasusuka kunyari.

"Ay naku, tumigil na nga kayo. Tara na." Aya ko sa kanila. Nag-aasaran pa rin sila habang naglalakad kami sa hallway.

Nagpaalam naman sa amin si Steven ng makarating kami ng quadrangle. Lumabas naman kami ni Sam ng school at nakita kong nandon na yung kotse ni kuya Al. Sabi ko nga, wala na naman akong sundo.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon