Sam
Naboboring ako ngayon dito sa bahay. Sabado kasi, wala kaming pasok. Maghapon na akong nakahiga dito. Kinuha ko yung phone ko sa ilalim ng unan ko at tinawagan si Al.
"Hello honey." Sagot nya agad sa kabilang linya.
"San ka ngayon? Idate mo ko ngayon, naboboring na ako dito sa bahay!" Masungit na sabi ko sa kanya. Ang lutong naman ng tawa nya sa kabilang line.
"I can't right now hon. Nasa practice pa ako." Hinging paumanhin nya naman.
"Leche kang kalbo ka!" Gigil na sagot ko sa kanya. Narinig ko na naman yung tawa nya.
"Puntahan mo na lang si Lei para di ka maboring. Parehas naman kayong saltik eh." Natatawang sabi nya ulit.
"Okay." Umirap pa ako. As if naman na makikita nya. Ibababa ko na sana yung tawag ng may maalala ako.
"Wait hon!" Pigil ko sa kanya.
"What?"
"Is kuya Kyrie with you?" Tanong ko.
"Yeah, why?" Takang tanong nya.
"Kasama mo sya ngayon? I mean katabi mo ba sya ngayon?" Paniniguro ko.
"No, malayo sya sakin. Bakit ba?" Tanong nya ulit sa akin.
"Di mo pa sinasabi sa akin yung pangalan nung ex nya."
"Aysus, napakachismosa mo talaga."
"Ano nga yung name?!" Sigaw ko sa kanya.
"Eto na nga." Maamong sabi nya.
"It's Kehlani." Sa wakas nalaman ko rin.
"Thank you hon. I love you!" Malambing kong sagot.
"I love you too." Sagot nya pero bumubulong-bulong pa.
"Anong sinasabi mo dyan?" Mataray kong tanong.
"Wala, sabi ko love na love kita. Sige hon, balik na ako sa practice. Punta ka na lang kay Lei." Paalam nya sa akin.
May sasabihin pa sana ako kaso ibinaba nya na agad yung tawag.
"Leche tong kalbo na to ah." Gigil na sabi ko sa cellphone.
Tumayo na ako sa kama para maligo at nang makapunta na rin kay Lei.
"Kehlani? Sounds familiar. San ko ba narinig or nabasa yung name na yun?" Kausap ko sa sarili ko habang papasok ng banyo.
Lei Eros
Ang sarap ng nood ko ng Spongebob sa sala ng biglang tumunog yung doorbell. Napasimangot tuloy ako.
Sino kaya yun? Padabog akong tumayo sa sofa para pagbuksan kung sinuman ang nasa labas.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko agad si Sam sa labas ng gate. Kumakaway sa akin. Napangiti naman ako dahil may makakasama ako ngayong araw.
"Hi besh!" Tili nyang bati sa akin.
"Hi too! Anong meron at napadalaw ka?" Binuksan ko yung gate para makapasok sya. Naglalakad na kami paloob bago sya sumagot.
"Wala lang, naboboring kasi ako sa bahay eh." Nakangusong sabi nya.
"What the heck! Besh, ano yang pinapanood mo?" Nanlalaki yung mga mata ni Sam ng makapasok kami ng bahay.
"Are you blind? Spongebob!" Umirap pa ako sa kanya.
"Gaga, alam ko Spongebob yan. Ano ba naman yan besh, pambata." With matching patirik-tirik pa sya ng mga mata.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."