Chapter 74

72 44 4
                                    

Third Person's POV

Hindi na umuwi si Kyrie sa bahay nila ni Lei dahil hindi na rin sya pinayagan ng ate nya dahil malakas ang ulan. Bumangon na sya sa kanyang kama at pumunta ng banyo para maligo. Pagkatapos nya ay kinuha nya kaagad yung susi ng kotse nya at nagmamadaling bumaba.

Palabas na sana sya ng bahay ng marinig nya ang boses ng kanyang ama.

"Aalis ka ng hindi man lang nagpapaalam sa amin?" Sabi nito sa kanya kaya napalingon sya dito. Nahihiya sya sa kanyang ama dahil sa mga nangyari.

"Morning dad, I'm going home now." Nasambit nya na lang dito.

"Bakit hindi ka muna mag-agahan. Nandun na si mommy mo pati si ate Asia mo." Sabi nito at nilapitan sya.

"Anak, kung ano man ang nagawa ko sayo humihingi ako ng tawad. Dapat noong una pa lang ay inintindi na kita. Hindi yung puro na lang iisipin ng ibang tao ang iniintindi ko nakalimutan ko na ang nararamdaman ng sarili kong anak."

"It's okay dad. Kasalanan ko naman po talaga at naiintindihan ko kayo." Ngumiti pa sya ng pilit sa ama.

"Kumain muna tayo hijo." Inakbayan pa sya ni Drederick kaya hindi na sya nakakontra pa ng isinabay sya nitong lumakad papunta sa dinning area nila.

Bagamat nagulat ang dalawang babae sa harap ng lamesa ay mga nakangiti ito sa kanila. Tuwang-tuwa si Elizabeth ng makitang maayos na ulit ang mag-ama nya at ganon din si Asia.

"Tara na, kumain na tayo." Alok sa kanila ni Elizabeth. Umupo naman sila ng kanyang ama.

"Hijo, dito ka na muna magstay." Pakiusap sa kanya ng ina.

"Pupuntahan ko po si Eros ngayon mom." Desidido nyang sagot. Alam nyang nandun lang ang asawa nya sa bahay ng magulang nito dahil sabado ngayon at wala itong pasok.

"Malakas ang ulan hijo, baka pwede ipagpabukas mo na yan." Pigil naman ng daddy nya.

"No dad, gusto ko po makita ang asawa ko." Sagot nya dito.

"Ikaw ang bahala hijo, mag-ingat ka na lang sa pagmamaneho. Madulas ang daan." Bilin ng daddy nya sa kanya.

"I will dad, thank's."

Kumain na lang sila ng tahimik. Nang matapos ay saglit syang bumalik sa kanyang kwarto upang magsipilyo.

Pagbaba nya ay nakita nya sila daddy nya sa sala.

"Bye guys." Paalam nya sa mga ito at hinalikan sila sa pisngi.

"Balitaan mo ako Ky." Bulong sa kanya ng ate nya nang halikan nya ito sa pisngi.

"Chismosa!" Biro nya rito at pinisil ang ilong nito.

Sumakay kaagad sya ng kotse. Binuksan naman ng kasambahay nila yung gate para makalabas sya. Kumaway pa sa kanya si Manang Lucy nang makalabas na sya.

Kinakabahan man ay buo na ang pasya nyang kausapin at makipagbalikan kay Lei. Haharapin nya ang galit ng ama nito. Tatanggapin nya kahit ilang suntok pa ang ibigay nito sa kanya.

Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak nya habang nagmamaneho. Mabuti na lang at huminto na ang ulan dahil wala sya sa sarili habang nagmamaneho.

Nang makarating sya sa harapan ng bahay nila Lei ay inayos nya muna ang sarili nya bago bumaba ng kotse. Lumapit sya sa gate ng bahay at pinindot ang doorbell. Nakailang pindot na sya pero wala pa ring nagbubukas. Huminga sya ng malalim bago pumindot ulit. Natuwa naman sya ng makitang palabas na si Manang Belen. Nakita nya ang pag-aalala sa mukha nito.

"Hijo, umuwi ka na. Hindi pinapalabas ni Leonardo si Lei."

"Hindi po manang. Pasabi po hihintayin ko si Eros. Hindi po ako aalis dito."

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon