Kyrie
Nasa parking pa lang kami ng mall ay ang dami na kaagad nag-aabang sa aming mga media. Tinignan ko si daddy pero tahimik lang ito.
"Ikaw may pakana nito dad, right?" Mahinang tanong ko sa kanya.
"Yes, linisin mo ang relasyon nyo ni Lei sa mga tao." Utos nya sa akin. Sabi na nga ba eh kaya sya nag-ayang magmall kami.
"Don't worry, hanggang dito lang yan sila sa labas. Hindi yan sila makakapasok ng mall." Tinapik nya pa ako sa balikat.
Nag-umpisa na kaming maglakad at ang dami nang humaharang sa amin. Hindi sanay ang asawa ko sa mga gantong scene kaya kaagad ko syang niyakap habang naglalakad kami.
"Kyrie, bakit kasama mo ngayon si Lei?" Tanong kaagad ng isang babae.
"Of course, she's my wife." Walang emosyon kong sagot.
"Bakit nung nakaraan ay kasama mo madalas si Kehlani?" Tanong naman nung isa.
"Kaibigan ko si Kehlani saka alam naman ng misis ko kung saan ako nagpupunta." Sagot ko pa rin habang naglalakad ako.
"Kyrie, naghiwalay ba kayo ng asawa mo?" Sa tanong na yun ay napahinto ako at tinignan yung nagtatanong.
"Kahit kelan ay hindi kami naghiwalay ng misis ko." Sagot ko sabay tingin kay Eros. Naghiyawan naman ang mga tao nang halikan ko si Eros ng banayad sa mga labi.
"Okay guys, enough of this." Natatawa kong sabi sa kanila.
"Kayo po ba yung parents ni Kyrie?" Tanong naman ng mga ito kila daddy. Tumango naman si daddy.
"Totoo po ba yung mga sinabi ni Kyrie sir?" Tanong nung isa kay daddy.
"Yeah, that's all true." Matipid na sagot ni daddy.
"Ano pong masasabi nyo sa misis nya?" Tanong naman nung isa kay mommy.
"What more can I see, mabait na bata si Lei at mahal na mahal nya ang anak ko. Sabi ko nga bigyan na nila ako ng apo." Maharot na sagot ni mommy. Hinawakan naman ito ni Eros sa braso para pigilan sa iba pang sasabihin nito.
"Ikaw naman po Ms. Asia, ano pong masasabi nyo kay Lei?" Tanong ng isa kay ate. Iisa-isahin ata kami ng mga ito eh.
"The best sister-in-law. We're so close. To the point na parang magkapatid na talaga kami." Nakangiting sagot ni ate.
"Ikaw naman Lei, anong masasabi mo sa pamilya ng asawa mo?" Tanong na nila kay Eros.
"Mababait naman sila at love ko silang lahat." Nakangiting sagot nya naman.
"Bakit nyo itinago yung kasal nyo sa publiko?" Tanong nung isa sa kanya.
"Secret nga eh, kung sinabi namin edi hindi na secret yun." Nagtawanan naman yung mga tao sa sagot nya. Napaface palm na lang ako sa sagot nya.
"Gusto mo ba talaga si Kyrie?" Tanong sa kanya nung isa ulit, napatingin naman ako sa kanya.
"I don't like him, because I love him. Magpapakasal ba ako sa kanya kung hindi ko sya mahal?" Natuwa naman ako sa sagot nya.
"Hanggang dyan na lang kayo!" Bigla namang hinarangan ng mga guards yung mga media. Napahinga naman ng maluwag si Eros.
"Hay grabe, ang gulo-gulo. Ayoko talaga ng showbiz." Reklamo ni Eros nang makapasok na kami ng mall.
"Wala tayong magagawa, nakakabit na yan sa asawa mo, hija." Si mommy ang sumagot sa kanya.
"Secret nga eh, kung sinabi namin edi hindi na secret yun." Gaya ni ate Asia sa sinagot ni Eros kanina kaya nagtawanan kami.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."