Lei Eros
Nasa canteen kami ngayon nila Sam at Steven dahil break time namin.
"Guest sila Kyrie sa sabado ah, kasama si Miranda Kerr." Sabi ni Steven. Ang tinutukoy nya ay yung Australian model na kasama nila Kyrie sa isang tv commercial.
"Yeah." Tipid kong sagot.
"O, bat parang malungkot ka besh?" Puna sa akin ni Sam.
"Hindi besh, ewan ko ba parang kinakabahan ako." Sagot ko kasi simula kahapon ko pa nararamdaman na parang kinakabahan ako.
"Ang weird mo naman besh." Pairap na sagot ni Sam.
"Baka may baby Kyrie na kaya ka kinakabahan." Tukso naman sa akin ni Steven.
"Sira ulo! Bawal pa no, hindi pa ako graduate." Sagot ko.
"Ninong ako ah." He added.
"Oo naman." Ngumiti pa ako sa kanya.
"Naku besh baka naman natrauma ka nung nilagnat ng mataas si kuya Kyrie kaya feeling mo kinakabahan ka kapag hindi mo sya nakikita." Explain naman ni Sam.
"Siguro nga." Sang-ayon ko na lang dahil baka nga tama ang kaibigan ko.
"Kumain ka na para hindi ka kabahan. Nalipasan ka lang ata ng gutom eh." Pinitik pa ako ni Steven sa ilong kaya sinamaan ko sya ng tingin.
Kumain na lang kami ng tahimik pero nagsalita ulit ako.
"Besh, hindi talaga ako mapakali eh." Ibinaba ko yung kutsara na hawak ko. "Parang may mangyayari?" Hindi ko sure na sabi.
"Ay jusko ka besh, tumigil ka nga!" Saway ni Sam sa akin.
"Kumain ka na Lei, walang mangyayari, okay?" Inakbayan pa ako ni Steven at inuga-uga. "Wag mong ientertain ang mga negative mong nararadaman."
Napatango na lang ako sa kanya at kumain ulit. Siguro nga nag-ooverthink lang na naman ako sa mga bagay-bagay kaya ganto yung nararamdaman ko.
"Alam ko na besh kung bat ka kinakabahan." Tumatawang sabi ni Sam.
"Bakit?"
"Tag-ulan ngayon eh, malamang takot ka na naman sa kulog at kidlat."
"HA-HA-HA! Nakakatawa!" Pikon kong sabi sa kanya sabay irap.
Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami ng room. Tahimik ang buong classroom at busy silang makinig samantalang ako ay lumilipad ang isip ko at parang gusto ko na kaagad makauwi.
—————
Nang tumunog ang bell ay nagmadali akong iligpit ang mga gamit ko.
"Uwing-uwi lang ang peg?" Natatawang sabi sa akin ni Sam.
"Ay naku bilisan na lang natin." Pagsusungit ko sa kanya. Hindi pala ako masusundo ni Kyrie ngayon dahil may pinuntahan sya kaya kila Sam na naman ako sasabay.
Magkahawak kamay kaming lumabas ni Sam. Si Steven naman ay sumama sa mga kaibigan nya.
Nang matanaw namin ang sasakyan ni kuya Al ay kaagad kaming sumakay roon.
"Hi ladies." Bati ni kuya sa amin.
"Hi hon/kuya." Magkasabay naman naming bati ni Sam.
Inilabas ko kaagad yung phone ko para tawagan si Kyrie.
"Hello Kay, nakauwi ka na ba?" Tanong ko kaagad sa kanya ng sagutin nya ang tawag ko.
"Hindi pa mommy, nandito pa kami nila Jayson sa conference." Sagot nyang pabulong. Hehehe, nakaistorbo pa ata ako.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."