Chapter 24

148 57 4
                                    

Kyrie

"F*ck!" Napamura ako sabay hampas sa manibela. Naihilamos ko rin yung palad ko sa mukha ko.

Napatingin ako sa bouquet of roses sa likuran ng kotse ko. Para kay Eros naman talaga iyon, kaso nang makita kong kasama nila ni Sam sa picture si Steven ay nakaramdam na agad ako ng selos lalo na't they look good together. Nakaakbay pa kasi ang Steven na iyo sa kanya.

Nandito ako sa parking lot ng isang bar pero hindi pa rin ako bumababa ng kotse kahit mga 15minutes na ako dito.

Napagpasyahan kong bumaba na ng sasakyan. Kinuha ko rin yung bulaklak sa likod ng kotse ko.

Pumasok ako sa loob ng bar at nagtuloy-tuloy sa loob.

"Ano pong sa inyo sir Kyrie?" Tanong sakin ng bartender.

"Kahit ano, basta yung malalasing ako." Sagot ko sa kanya at inilapag sa ibabaw ng counter tops yung bulaklak na dala ko.

Nakakailang shot na ako pero bakit di pa rin ako nalalasing?

"May problema ba Kyrie?" Mapang-akit na tanong sakin ng isang babae. Napalingon naman ako agad sa kanya.

Sakal na sakal yung cleavage nya sa suot nyang damit. Kulang na lang ay lumuwa yung tinatakpan niyon. Sobrang iksi din ng shorts nya na kita na halos yung pang-upo nit.

Hindi ko sya pinansin at uminom lang ako.

"Ang sungit mo naman." Natatawang sabi nya at umupo paharap sa akin. Nagsindi pa ito ng yosi.

"C'mon Kyrie, let's have some fun." Tumayo ulit sya at kulang na lang ay isubsob nya ako sa dibdib nya. Sorry to say, mas malaki yung sa asawa ko.

"Sorry miss, but I want to drink alone." I emphasized the word alone.

"Why?" Di pa rin sya sumusuko sa pang-aakit sakin. Inilapit nya pa yung mukha nya sa akin.

Tumingin muna ako ng diretso sa kanya bago nagsalita.

"Because, I'm not interested on you."

Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata nito dahil sa sinabi ko. Galit syang lumayo sa akin.

"You son of a bitch!" Galit na sabi nya sakin sabay dabog paalis.

"Anyare dun sir Kyrie?" Usisa sakin ng bartender. Nagkibit-balikat lang ako.

"May hinihintay po ba kayo sir?" Tanong ulit ng bartender sakin.

"Wala, bakit?"

"Ah, kala ko po meron eh. May dala po kasi kayong flowers." Puna nya sa dala kong bulaklak.

"Don't mind that flowers."

Kinuha ko yung phone ko at tinext si Al kung nasan ako. Inaya ko rin syang uminom. Nagreply naman ito agad na pupunta sya.

Siguro mag-iisang oras din bago dumating si Al.

"Zup bruh!" Tinapik nya ako sa balikat bago upo naman sa tabi ko.

"Oh, para kanino tong mga bulaklak? May chicks ka na naman no?" Asar nya sakin.

"Para sana kay Eros, kaso di ko naibigay." Malungkot na sabi ko.

"Ah, kaya pala nag-iinom ka ngayon. Anyare bat di mo naibigay?"

"Kasalanan ko. Nagselos ako nang makita ko yung post ni Sam. Kasama nya si Eros at yung Steven na classmate nila. Nakaakbay pa!" Kwento ko.

"Sus, ikaw talaga nagselos ka naman agad. Dapat binigay mo to kay Lei, I'm sure matutuwa yun." Nilalaro-laro nya pa yung mga petals ng rosas.

"Nakita nya nga yan kanina sa kotse. Ang kaso sinabi kong hindi yan para sa kanya." Magkasunod kong nilagok yung alak sa dalawang shot glass.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon