Third Person's POV
Nang matapos silang kumain ay kaagad kumuha ng ice pack si Lei Eros para sa kanyang asawa.
"Here." Sabi nya rito at idinikit iyon sa nag-uumpisa ng mamagang pisngi ni Kyrie. Nakaupo pa rin iyon sa tapat ng lamesa. Iniligpit naman na nya yung mga kinainan nila.
Nakatingin lang si Kyrie sa kanya habang tinitignan ang kanyang ginagawa.
Nang matapos na sya ay kaagad nyang binalingan si Kyrie upang tignan ang mukha nito.
"Patingin nga?" Masuyo nyang sabi dito. Inalis naman ni Kyrie yung ice pack na nasa pisngi nito.
"Hala, namaga tuloy yung mukha ni kingkong." Nakakaloko nyang sabi. Tatakbo na sana sya nang hawakan sya nito sa kamay.
"I miss you!" Biglang sabi sa kanya ni Kyrie kaya natigilan sya.
"I miss you so much, mommy." Umiiyak ito habang sinasabi iyon. "Ang hirap, yung malapit ka lang pero parang ang layo-layo mo sa akin." Hindi sya nakapagsalita at nag-unahan ding pumatak ang kanyang mga luha.
"Namimiss ko na yung malambing kong asawa. Yung pang-aasar mo sa akin, yung pag-aasikaso mo at pag-aalaga mo sa akin. Higit sa lahat ikaw mismo, miss na miss na kita. Hindi ko alam kung bakit ba tayo humantong sa ganito." Iyak na ng iyak si Kyrie.
Tumayo ito at niyakap sya habang nakatalikod sya dito. "Pasensya ka na kung tarantado ako ah, hindi ako naging mabuting asawa sayo. Lagi na lang kitang sinasaktan."
Ihinarap sya nito kaya nakita rin nitong umiiyak sya. "Salamat sayo Eros pero mas mabuti na sigurong mapunta ka sa iba kesa makulong ka sa kagaya kong walang kwenta."
"Are you going to leave me now, Kyrie?" Nagawa nyang itanong iyon kahit naguguluhan sya sa nangyayari. "Nag-aadik ka ba? Pasabi-sabi kang miss mo ako tapos ngayon iiwan mo ako?"
"Let's give each other a space. Mag-isip muna tayo kung dapat pa ba nating ituloy ito." Sabi ni Kyrie kaya kumalas sya ng yakap dito.
"Okay, hindi ko akalain na mabilis ka palang sumuko." Tumawa pa sya ng peke. "But that's fine, I'll respect your decision. Sabagay, una pa lang ay ayaw mo na itong kasalan na ito." Nagpahid sya ng luha. "At least, nagtry tayo kung magwowork itong kasal natin."
"Sige, from now on, lalayo na ako sayo dahil iyan ang gusto mo but please, wag na wag mong pabayaan ang sarili mo." Bilin nya rito.
"I promise, I will." Mahinang sabi ni Kyrie kaya napangiti na sya. Matagal silang walang imikan at nagpapakiramdaman lang sa isa't-isa.
"P-pwede bang p-payakap ako?" Hirap na hirap na nyang sabi rito. Tumango-tango naman si Kyrie kaya mabilis nya iyong niyakap nang mahigpit. Susulitin na nya dahil baka iyon na ang huling yakap nya rito.
"Sige na." Sabi nya at sya na rin ang kusang kumalas ng yakap kay Kyrie.
"Doon na lang muna ako sa condo ko." Sabi nito, tumango lang naman sya rito.
"Wag kang mag-alala, promise hindi ko sasabihin sa mga parents natin na hiwalay muna tayo." Pangako nya sa asawa. Tumango lang ito sa kanya.
Hindi naman na sila nag-usap at sabay na umakyat sa kanilang kwarto. Pinagmasdan nya lang si Kyrie habang nag-iimpake ng kanyang mga dadalhin.
"Andyan na ba lahat ng kailangan mo?" Tanong nya rito ng matapos iyon sa ginagawa nya.
"Andito na lahat, salamat." Sabi nito at ginulo pa ang buhok nya. Pinigilan ni Kyrie ang sarili na halikan ang asawa dahil baka magbago ang kanyang isip.
![](https://img.wattpad.com/cover/167618747-288-k48976.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."