Chapter 72

80 44 20
                                    

Al

   Ihininto ko ang kotse ko sa tapat ng bahay nila Kyrie. Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung iwan sya ni Lei. Bumaba ako ng sasakyan ko at nagdoorbell sa gate nila. Nakailang pindot pa ako bago ko nakita si Kyrie sa pintuan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa matalik kong kaibigan ng makita ko sya. Miserableng miserable ang kanyang itsura ngayon.

   "Pasok." Sabi nito sa akin nang buksan nya yung gate. Amoy alak din ito.

   Pagpasok namin sa loob ng bahay ay umupo ako kaagad sa sofa. Tinitigan ko sya ng umupo sya sa tapat ko. Ngayon lang sya nagkaganito sa isang babae.

   "Don't look at me like that, I'm so f*cked up!" Walang emosyong sabi nya sa akin.

   "Tanga ka talaga!" Hindi ko napigil na sabihin sa kanya kaya sinamaan nya ako ng tingin.

   "Imbes na sinusuyo mo ang asawa mo, andito ka nagpapakalunod sa alak." Sermon ko sa kanya.

   "Anong gagawin ko, ayaw nga akong kausapin." Malungkot na sagot nya.

   "So ganon na lang yun, susuko ka na lang agad?"

   Hindi sya sumagot at nilagok ang isang bote ng beer.

   "Sa team natin kapag nawawalan na kami ng pag-asang manalo ikaw palagi ang nagmomotivate sa amin na kaya pa natin yun. Hangga't hindi nauubos ang oras may pag-asa pa tayong manalo. Yan ang lagi mong sinasabi sa amin."

   Hindi naman sya kumibo at huminga lang ng malalim kaya nagpatuloy ako. "Parang sitwasyon mo lang yan ngayon bruh, hangga't may oras pa may pag-asa ka pang manalo. Kung ako sayo lulubusin ko na ang oras na yun kesa magsisi pa ako sa huli dahil sinayang ko lang ang last minute sa pagmumukmok dito sa loob ng bahay."

   "Baka nakakalimutan mo, naghihintay si Jayson sa kanya. Isama mo pa yung classmate nilang si Steven." Sa sinabi ko ay tinignan nya ulit ako ng masama.

   "Hindi mapupunta sa kanila ang asawa ko!" Mariing sabi nya at tinungga na naman yung beer na hawak nya.

   "Yun naman pala eh. Kumbaga sa basketball, si Lei ang bola. Parang sa pagrerebound, ang dami nyong nakaabang pero sa dami ng gustong makakuha sa kanya ay ikaw ang nagwagi, ngayong nasa iyo na ang bola, papayag ka bang makuha pa iyon sayo ng iba?"

   Natahimik naman sya at parang nag-iisip, kalaunay nagsalita na rin sya.

   "Thank's bruh." Pasasalamat nya sa akin.

   "No problem." Tinapik ko pa sya sa balikat.

   "Kung ako sayo titigilan ko na ang pagpapakalunod sa alak dahil kapag nalaman pa yan ni Lei lalong magagalit yun sayo."

   "Pakyu!" Sabi nya sakin kaya natawa ako. "Magagalit yun kapag nagsumbong ka." Tinignan nya ulit ako ng matalim.

   "Ayusin mo sarili mo, konti na lang mukha ka nang taong grasa." Asar ko sa kanya, binato nya naman ako ng bote buti na lang at nasalo ko iyon.

   "Tangna mo!" Mura nya sa akin pero natawa naman kaming dalawa.

   "Sige na, magsusundo pa ako." Tinapik ko ulit sya sa balikat bago ako tumayo.

   "Sige, ingat. Salamat sa mga sinabi mo." Sincere na sabi nya sa akin.

   "Wampipti yun boss." Biro ko sa kanya.

   "Gago!" Natatawang sabi nya at hinatid na ako sa gate. Sumaludo pa ako sa kanya bago sumakay ng kotse at pinaandar na iyon. Napabuntong-hininga naman ako ng makita kong makulimlim ang langit. Tag-ulan na rin kasi ngayon.













Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon