Chapter 41

144 47 28
                                    

Kyrie

Sa wakas, natapos na din ung pagrenovate sa bahay nila daddy. Luma na kasi yung design nun at wala silang time para ipagawa iyon dahil masyado silang busy. Pasalamat na lang ako at ako yung napiling guest sa isang tv show.

Nagpupunas ako ng pawis ng may tumapik sa balikat ko, si Al pala. Kakatapos lang kasi ng practice namin.

"Ano, sunduin na natin ang mga besh natin?" Malanding sabi nya. Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Wait lang, pahinga muna tayo ah. Excited?" Sabi ko sa kanya. Wala kasi syang dalang kotse dahil sa bahay sila natulog ni Sam kagabi.

Humiga muna ako sandali dahil gusto kong iunat yung likod ko.

"Oh, bat di pa kayo umuuwi?" Biglang sulpot ni Jayson sa pinto.

"Pauwi na rin kami." Si Al ang sumagot.

"Ikaw, bat bumalik ka?" Tanong ko naman.

"May naiwan ako eh." Sagot nya at pinuntahan yung pakay nya.

"Ano bang naiwan mo?" Usisa sa kanya ni Al.

"Eto." Sabay taas nya ng bracelet ata yun. Tinignan ko iyong mabuti at nakilala ko kung kanino yun.

"Hey, sa misis ko yan ah. Pano napunta yan sayo?" Sita ko sa kanya. Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo. Di ako pwedeng magkamali dahil sa asawa ko talaga yun. May mga palawit pa na spongebob na maliliit.

"Binigay nya to sakin kaya you have no rights para bawiin to sakin bruh." Sagot nya at tinapik pa nya ako sa balikat bago tuluyang umalis.

"Sh*t!" Napamura na lang ako.

"Wala tayong magagawa dyan." Sabi naman ni Al sa akin.

Tumayo na ako at iniligpit na yung mga gamit ko.

Wala akong imik nang makasakay kami ni Al sa kotse. Bad trip naman kasi yung si Jayson, bakit sya binigyan ni Eros ng ganon?

"Bruh, hinay-hinay sa pagmamaneho ah." Paalala sa akin ni Al.

"Why?"

"Masama mood mo eh, amoy selos ka eh." Asar nya sa akin.

"Pakyu!" Sabi ko lang sa kanya. "Ikaw na nga magdrive."

"Ako na talaga para safe tayo." Ngiting-ngiti ang loko.

Habang nasa byahe kami ay may tumatawag sa akin. Video call pala. Si ate Asia, kasama yung host ng tv show.

"Hi Kyrie!" Masayang bati nila sa akin.

"Hi din."

"Busy ka ba?" Tanong sa akin ni ate Asia.

"Kakatapos lang namin magpractice. Kasama ko si Al ngayon." Sagot ko at itinapat yung camera kay Al. Kumaway lang naman ito.

"Papunta na kayo dito?" Tanong ng host.

"Hindi pa. Susunduin pa namin yung mga witch." Sagot ko na ikinatawa nila ng kapatid ko.

"Hahaha, okay. Sinusundo pa naman sila daddy nyo eh." Sabi ng host.

"Okay."

"Sige na. Take care baby brother." Bilin ni ate Asia sa akin.

"I will." Sagot ko at pinatay na yung tawag.

"Baby brother." Asar sa akin ni Al.

"Shut up kalbo. Magdrive ka na lang." Asar na sabi ko sa kanya.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon