Chapter 38

170 49 13
                                    

Lei Eros

   Busy ako sa pag-aayos ng mga dapat ipasa sa school dahil magbabakasyon na. Grabe ang dami ko talagang kailangang tapusin, bakit naman kasi sabay-sabay silang kelangang ipasa? Kanina pa ako dito. Inumpisahan kong gumawa ng umalis si Kay-Kay pero hanggang ngayon almost 9pm na hindi pa rin ako tapos.

   This is ridiculous

   We be doing what we like
   Every single day and night
   Party like it's 95
   Matter fact I think it's 'bout that time

   May tumatawag sa phone ko. Nawala saglit yung focus ko sa mga nagkalat na gamit ko at hinanap ko yung phone ko.

   "Nasan na ba yun?" Tanong ko sa sarili ko. Kinalkal ko yung mga gamit ko dahil baka natabunan lang iyon.

   "There you are." Nakita ko syang natabunan ng mga papel. Sinagot ko naman yung tumatawag.

   "Hello besh, tapos mo na yung compilation sa ethics natin?" Bungad na tanong sa akin ni Sam.

   "Oo besh, tapos ko na."

   "Hanggang ilan ba yun besh? Feeling ko kasi kulang ako ng isa."

   "Hanggang 30 lang lahat yun." Sagot ko naman.

   "Hanggang 30 lang ba? Kompleto pala ako." Tuwang-tuwa na sabi nya.

   "Sige besh, dami ko pa talagang gagawin eh." Paalam ko sa kanya.

   "Ako din besh, sige babye. Love you."

   "Love you too." Pinatay ko na yung tawag. Pawis na pawis na rin ako dahil sa ginagawa ko. Ipinusod ko lang basta yung buhok ko. Di kasi ako nag-electric fan dahil liliparin yung mga ginagawa ko.

   "Ano ba yan. Nakakaurat. Magpiprint pa pala ako." Asar ko na sabi. Nasa email kasi namin yung ibang activity namin.

   Binuksan ko yung desktop. Ayieh!, na-in love naman ako sa wallpaper nun. Si Kay-Kay lang naman iyon.

   Umupo ako sa harapan ng computer at inisa-isang tignan yung ipiprint ko.

   "Hay grabe, I kennat!" Nailagay ko pa sa magkabilang pisngi ko yung mga kamay ko dahil ang dami ko rin palang ipiprint.

   This is ridiculous

   We be doing what we like
   Every single day and night
   Party like it's 95
   Matter fact I think it's 'bout that time

   Nagulat pa ako sa pagtunog ulit ng phone ko. Si Sam ulit iyon.

   "Bakit besh?" Bungad ko sa kanya.

   "Ayoko na sa earth, ang daming gagawin." Reklamo nya rin.

   "Kaya nga eh. Kakaurat."

   May naririnig akong nagsasalita sa background nya.

   "Andyan si kuya Al?" Tanong ko ng mabosesan ko yung boses na narinig ko.

   "Oo, kakarating lang besh, bakit?"

   "Hi Lei." Rinig kong sigaw ni kuya Al. Natawa na lang ako.

   "Pauwi na rin daw si kuya Kyrie." Sabi ni Sam.

   "Niak! sige besh, baba ko muna yung tawag magligpit lang muna ako. Yari ako kay kingkong pag naabutan nyang makalat." Hindi ko na inantay yung sagot nya at binaba ko na agad yung tawag.

   Napatingin ako sa sala ng kwarto namin. Napangiwi ako sa nakita ko. Sobrang kalat kasi, yari talaga ako nito.













Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon