Chapter 54

102 45 10
                                    

Kyrie

   Ngayon ang araw na babalik na kami ng Manila. Sakay kami ngayon ng sasakyan na ginamit namin papunta sa resort. Ang ingay na naman ng dalawang babae sa loob ng sasakyan.

   "Ma'am Lei, panigurado mamimiss mo yung hanging bridge." Biro sa kanya ng tour guide namin.

   "Ay never! Ayoko na dumaan dun. Gusto mo ikaw ihang ko dun kuya?" Sagot ni Eros, tumawa lang naman yung tour guide namin.

   "Pero maganda naman po yung resort namin diba?" Tanong nito ulit kay Eros.

   "Opo, walang duda. Napakaganda po talaga." Totoong sagot ni Eros.

   Sa buong biyahe ay nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan.













—————

   Sakay na kami ng eroplano pero hindi pa ito lumilipad dahil hinihintay pa ang ibang pasahero. Nasa bintana ako nakapwesto. Nakayakap naman si Eros sa akin.

   "Ang bango ng asawa ko." Ngiting-ngiti na sabi nya sabay singhot-singhot sa puti kong t-shirt. Yumuko naman ako sa kanya, inangat ko ang mukha nya at binigyan sya ng halik sa labi.

   "Is this seat taken, lovers?" Tanong sa amin ng babae kaya napalingon kaming dalawa. I clenched my jaw nang makita ko kung sino iyon.

   "Hi ate. No."Sagot naman ni Eros kay Kehlani sabay usog.

   "Thank's." Nakangiting sagot nito sabay tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng babaeng ito. Nakita ko sa katapat naming upuan si Al at Sam, pareho nanlalaki ang mga mata sa amin. Huminga na lang ako ng malalim at niyakap ang asawa ko.

   "Ang sweet nyo naman. Parang mawawala naman ang asawa mo Kyrie kung makayakap ka." Nahimigan ko ang pagkasarcastic sa boses nya.

   "Of course. Ayokong mawala ang misis ko sakin." Ginaya ko ang tono ng boses nya kaya napatanga na lang sya sa akin.

   "Daddy wait lang, punta lang muna ako ng banyo." Paalam sa akin ni Eros. Kahit ayaw ko syang paalisin ay wala na akong nagawa nang tumayo sya at lumakad papalayo.

   Hinaltak ko kaagad ang braso ni Kehlani ng masiguradong hindi na kami makikita ni Eros.

   "Nananadya ka ba?" Mahinang tanong ko sa kanya.

   "Easy, wala akong ginagawa. Nagkataon lang na eto ang seat number ko." Kalmadong sagot nito sa akin sabay tanggal sa kamay ko pero hinigpitan ko iyon lalo.

   "Ano ba Kyrie nasasaktan na ako." Mahina ring sabi nito.

   "Don't you dare screwed my wife." Gigil kong sabi. Sabay bitaw pabalang sa kanya kaya sumalya sya sa kinauupuan nya. Nakita ko naman si Al na nakatingin sa amin habang nakangisi. Nagthumbs up naman sa akin si Sam.

   Tumingin na lang ulit ako sa labas ng bintana.

   "Di ako makapaniwalang magagawa mo ito sa akin." Sabi ni Kehlani kaya napatingin ulit ako sa kanya. Sasagot sana ako nang makita kong palapit na sa amin si Eros.

   Kinuha ko naman kaagad yung kamay nya nang makalapit sa akin at niyakap sya. Nagtataka man ay yumakap na lang din sya sa akin.

   Nang lumipad ang eroplanong sinasakyan namin ay sinuot ko ang shades ko at sumandal sa bintana. Nagkunwari akong natutulog.

   "Hi Lei!" Narinig kong sabi ni Kehlani.

   "Hi din po ate." Sagot ni Eros dito.

   "How old are you?" Tanong nito.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon