Chapter 56

94 47 25
                                    

Lei Eros

   Kanina pa ako dito sa kotse pero hindi pa rin lumalabas ng bahay ang alaga kong unggoy kaya bumaba ulit ako at pumasok sa bahay.

   Nakita ko syang may kausap sa phone. "Hey, daddy!" Tawag ko sa kanya kaya napalingon sya kaagad sa akin at ibinaba yung phone nya. "Sinong kausap mo?" Tanong ko kasi chismosa ako.

   "Wala yun, hindi naman importante." Sagot nya sabay akbay sa akin. "Tara na at baka hinihintay na tayo nila daddy." Nagulat naman ako nang sakyan nya ako sa likod kaya nawalan ako ng balanse at napaluhod sa sahig. Bumagsak kaming dalawa.

   "Aray ko! Sira ulo ka talagang gorilya ka. Mamumura na talaga kita!" Daing ko dahil ang sakit ng pagkabagsak ko.

   "Hala, pag ako talaga nagkapasa, ipopost ko sa ig sasabihin ko kagagawan mo yun." Banta ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako.

   "Tara na. Sorry na." Sabi nya sa akin sabay hila sa kamay ko.

   "Ayoko!" Mariing sagot ko at huminto sa paglalakad kaya napalingon sya sa akin.

   "Kiss muna." Nakakalokong sabi ko habang tinuturo ng hintuturo ko yung labi ko.

   "Ow sure!" Kaagad naman niyang sagot at hinalikan ako sa mga labi. Medyo tumagal din iyon bago kami tumigil.

   "Okay na ba yun?" Nakangiti nyang tanong sa akin.

   "Okay na okay!" Nagthumbs up pa ako sa kanya.

   "So, shall we? Baka matraffic tayo." Sabi nya kaya ikinawit ko ang mga kamay ko sa braso nya.

   Nang makasakay kami sa kotse ay kinuha ko ang phone ko sa bag para sana itext si Sam kaso nabasa ko yung text ni kuya Al.

   "Hala nagtext na si kuya Al, nandun na daw sila ni Sam." Sabi ko kay Kyrie nang mabasa ko ang text ni kuya.

   "Yaan mo sila, excited sila eh." Natatawang sabi ni Kyrie saka pinaandar yung sasakyan.












—————

   Pagdating namin sa bahay nila ay nandun na nga sila Sam. Nagkakatuwaan sila sa sala kasama ang parents ni Kyrie.

   "Yan na pala sila eh." Sabi ni kuya Al ng makita kami. Nagbless naman ako sa parents ni Kyrie.

   "Hey baby brother." Bati ni ate Asia kay Kyrie sabay yakap sa kapatid. "Hi sis." Bati nya rin sa akin.

   "The table was set, tara na at kumain na tayo." Alok sa amin ni ate Asia para makapananghalian na. Sya ata yung nagluto ngayon.

   Natutuwa naman ako sa nakikita ko dahil close talaga sila ng asawa ko. Nakaakbay sa kanya si Kyrie habang papunta sila sa dinning area.

   Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain. Syempre hindi mawawala ang asaran at kwentuhan.

   Nang matapos kami ay kanya-kanyang akyatan na sa kwarto. Ako naman ay naiwan para maglinis sa kusina.

   Nagpupunas na ako ng mga kamay nang makita ko si ate Asia na may dalang malaking kahon at parang hirap na hirap ito.

   "Ano yan ate?" Tanong ko sa kanya pero tinulungan ko na rin sya.

   "Mga lumang gamit ko, hindi ko na ginagamit kaya ilalagay ko na sa stock room.

   "Ah, san po ba yung stock room nyo ate?"

   "Sa labas pa." Sabi nya. Dumaan naman kami sa likod ng bahay, sumusunod lang ako sa kanya habang naglalakad sya.

   "Wait, ibaba muna natin." Sabi nya sakin kaya ibinaba namin yung kahon at ibang mga gamit nya. Binuksan nya yung pinto ng  stock room. Medyo malayo rin pala iyon sa bahay nila.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon