Chapter 63

65 45 7
                                    

Lei Eros

   Maaga pa lang ay nandito na kaagad si Sam kasama si kuya Al?

   "Morning Lei." Nakangiting bati sa akin ni kuya Al at hinalikan ako sa pisngi.

   "Morning too kuya." Nakangiti ko ring bati sa kanya at tinitignan ko si Sam.

   "Bihis ka na." Masuyong sabi nya sa akin kaya umakyat ulit ako ng kwarto, sumunod naman sa akin si Sam.

   "Uy babae ka, bakit kasama natin si kuya Al?" Sita ko kaagad sa kanya nang makapasok kami ng kwarto.

   "Malamang driver natin. Saka sinabi ko rin sa kanya yung nalaman natin." Ngumisi pa ito sa akin.

   "Sira ulo ka talaga." Nasabi ko na lang at naghubad na ng damit.

   "Hindi ka maliligo?" Nanlalaki yung mga mata nya sa akin.

   "Gaga, naligo na ako kanina." Binato ko pa sa kanya yung hinubad kong sando.

   "Bilisan mo na dyan." Madali nya sa akin.

   "Excited? May taxi sa labas?" Pairap na sabi ko sa kanya habang nagsusuot ng pantalon. Tumawa lang naman sya.

   Pinagpatuloy ko na lang yung ginagawa ko. Nang matapos ay kaagad ko syang binalingan.

   "Tara na." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Daan muna tayo ng simbahan bago tayo pumunta kay kingkong." Sabi ko sa kanya.

   "Sure." Pagpayag nya at magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto.

   Tinignan ko si Sam. Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng kaibigang katulad nya. Hindi lang kaibigan ang nahanap ko kundi pati kapatid.

   Katulad ng sinabi ko ay pumunta kami ng simbahan para umattend ng misa. Nang matapos ay kumain kami sa isang kainan.

   Hindi pa kami tapos kumain nang may lumapit sa amin at itinutok sa akin yung camera.

   "Lei, bakit madalas kasama ni Kyrie si Kehlani?"

   "Lei, hiwalay na ba kayo?"

   "Lei, ano bang masasabi mo sa nangyayari sa inyo ni Kyrie ngayon?"

   Sunod-sunod na tanong sa akin pero ni isa ay wala akong sinagot.

   "Hey, pwede mamaya na yan, kumakain pa kami oh." Galit na sabi ni kuya Al.

   "Lei and Kyrie are good. Kung anuman yang chismis na nabalitaan nyo ay hindi yan totoo." Sabi naman ni Sam.

   Dumami na rin yung tao sa paligid at parang nahihilo ako sa sabay-sabay nilang tanong.

   "Let's get outta here!" Hinawakan ako ni kuya Al sa kamay at payakap akong inilabas ng kainan.

   "Salamat kuya." Pasasalamat ko sa kanya nang makasakay kami ng kotse nya dahil inialis nya ako sa lugar na iyon.

   "No problem, Lei. You're like a kid sister to me." Pinisil nya pa yung baba ko.

   Sa likod kami umupo ni Sam. Hinawakan naman ni Sam yung kamay ko at masuyong pinisil iyon.

   "Ready ka na bang kausapin si kuya Ky?" Nag-aalalang tanong nito.

   "Yes." Ngumiti ako sa kanya. Niyakap naman nya ako.

   "Basta Lei, kapag naulit sayo ang ganyan wala kang sasagutin sa kanila at umalis ka na lang kaagad." Bilin sa akin ni kuya Al.

   "Opo kuya, salamat."

   Natahimik na lang kami hanggang marating namin ang tapat ng condo ni Kyrie. Huminga ako ng malalim bago bumaba ng kotse.













Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon