Chapter 68

73 45 12
                                    

Third Person's POV

Pinuntahan na naman ni Kyrie si Kehlani sa bahay nito dahil kung anu-ano na naman ang idinadaing nito sa kanya.

"Ano na namang problema?" Tanong kaagad ni Kyrie dito nang makapasok sya sa bahay nito. Hindi naman iyon sumagot at niyakap lang sya nito.

"Sumakit kasi yung ulo ko kanina." Sagot nito.

"Okay ka na ba?" Tanong nya ulit dito. Tumango-tango naman ito habang nakayakap sa kanya.

"Hindi rin ako magtatagal, susunduin ko pa ang asawa ko." Kausap nya dito kaya napakalas iyon ng yakap sa kanya.

"Bumalik ka na ba ulit sa bahay nyo?" Tanong nito sa kanya.

"Hindi pa, pero bukas uuwi na ako."

"Ah, I see. Well, congrats dahil magkakaayos na ulit kayo." Sabi pa nito sa kanya sabay talikod. Umirap naman ito ng palihim.

"Maliligo lang muna ako." Sabi nito at pumasok na ng kwarto. Naiwan naman sya sa sala kaya naupo sya sa sofa.

"Kyrieeee!" Hindi pa sya nagtatagal sa pagkakaupo ay sumigaw si Kehlani sa loob ng kwarto nito kaya napatakbo sya kaagad doon. Nakita nyang takot na takot ito habang may dugo sa mga kamay at sa ilong nito.

"What happen?" Alalang-alala nyang tanong dito dahil dumudugo ang ilong nito.

"I-I don't know." Umiiyak na to ngayon kaya nilapitan nya na iyon at kumuha ng tissue para punasan ang kamay at ilong nito.

"Pumunta na tayo ng hospital." Mariin nyang sabi rito pero matigas rin itong tumanggi.

"Ayoko! Ganon din naman ang sasabihin sa akin kaya wag na lang." Sabi nito. Ang tigas talaga ng ulo kaya napapikit na lang si Kyrie ng mariin.

Inasikaso nya na lang muna ito at pinahiga sa kama. Nang makita nyang medyo okay na si Kehlani ay tumayo na sya.

"San ka pupunta?" Pinigilan sya nito sa kamay.

"Susunduin ko si Eros." Sagot nya.

"Wag mo muna akong iwan, please." Pakiusap nito, pero nakapagsabi na sya sa misis nya na susunduin nya iyon. Napatingin naman sya ulit kay Kehlani. Hindi nya rin naman pwedeng iwan ito dahil sinusumpong ito ng sakit nito.

"Okay, tatawagan ko muna si Eros." Pagpayag nya dito. Maiintindihan naman sya siguro ni Lei kapag sinabi nya ang dahilan nya.

Paglabas nya ng kwarto ni Kehlani ay ang lapad ng ngiti nito dahil napaniwala nya na naman si Kyrie sa acting nya.

Kinuha kaagad ni Kyrie yung phone nya sa bulsa nya at tinawagan kaagad si Lei.

"Hello, mommy?" Sabi nya kaagad ng sagutin ito ni Lei.

"Yes, napatawag ka?" Malambing na tanong nito kaya nag-alangan syang sabihin dito yung pakay nya. Huminga muna sya ng malalim.

"Sorry pero hindi kita masusundo ngayon may nangyari kasi kay Kehlani."

"Ow, it's okay." Pagpayag nito.

"Tatawagan ko na lang si-" Hindi pa sya tapos magsalita nang magsalita ulit ito.

"No need, magtataxi na lang ako. Nakakahiya na kay kuya." Sabi nito sabay baba ng tawag.

Kahit hindi man sabihin ni Lei ay ramdam nya na nadismaya na naman ito sa kanya. Laglag ang mga balikat na bumalik sya sa kwarto ni Kehlani. Nakita na nyang tulog ito sa kama.













Lei Eros

As I was expected, hindi na naman ako masusundo ni Kyrie. Nagngingitngit ako ngayon sa inis dahil hanggang ngayon ay paniwalang-paniwala pa rin syang may sakit si ate Kehlani, magaling talagang umarte ang babaeng yun. Pasabi-sabi pa sya saking aayusin nya yung relasyon namin pero ano, konting pang-iinarte lang ng babaeng yun wash out na lahat ng sinabi nya. Naku!!! Kakagigil talaga!

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon