Chapter 60

77 45 11
                                    

Lei Eros

   Tahimik lang ako habang nakasakay sa kotse ni kuya Al. Ilang araw na rin akong hindi nasusundo ni Kyrie dahil lagi syang tinatawagan ni ate Kehlani para magpasama dito dahil sinusumpong iyon madalas ng kanyang karamdaman. Pumayag naman ako dahil wala iyong makakasama, ayaw rin naman ni ate pumunta sa hospital at ayaw nya rin kumuha ng private nurse. Iniintindi ko na lang lahat dahil nga may sakit sya. Napabuntong-hininga na lang ako.

   "Are you okay, Lei?" Pansin sa akin ni kuya Al. Nilingon din naman ako ni Sam.

   "Yeah, I'm fine kuya." Pinilit ko pang ngumiti.

   "Kumusta kayo ni Kyrie?" Tanong nya bigla sa akin.

   "Okay naman po kami kuya." Pagsisinungaling ko.

   "Mabuti naman kung ganon. Kapag may problema, nandito lang kami ni Sam."

   "Oo kuya, salamat." Sagot ko na lang at tumingin na sa labas ng bintana.

   Nang marating namin ang bahay ay sinalubong ako ng katahimikan. Kakaibang katahimikan kaya lalo akong nalungkot.

   "Besh..." Sinundan pala ako ni Sam.

   "Why?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

   "Sigurado ka bang okay ka lang?" Paniniguro nito, nakita ko rin ang pag-aalala sa mukha nya.

   "Yes besh." Pinasigla ko pa yung boses ko.

   "Okay." Alanganin man ay sumang-ayon na lang din sya sa akin. Niyakap nya muna ako bago sya umalis. Naiwan na naman akong mag-isa sa bahay. Ibinagsak ko yung katawan ko sa sofa. Hindi ko na binuksan pa ang ilaw.

   Bumalik sa isipan ko ang naging pag-uusap namin ni ate Kehlani sa bahay nila Kyrie.













—————

   Nasa balcony ako ng bahay nila Kyrie para sana magpahangin nang makita ko si ate Kehlani na tumabi sa akin.

   "Hi Lei." Bati nya sa akin.

   "Hi too ate." Ngumiti pa ako sa kanya.

   "Alam mo bang first time kong makarating dito sa bahay nila?" Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nya. "Sa tuwing aayain ako ni Kyrie na pumunta dito sa kanila ay tumatanggi ako at kung anu-ano ang ginagawa kong dahilan." Pagpapatuloy nya. Hindi naman ako umimik.

   Narinig ko syang bumuntong hininga bago nagsalita ulit. "Lei, kakapalan ko na ang mukha ko pero may hihilingin ako sayo." Napakaseryoso ng mukha nya.

   "Ano po yun ate?"

   "Pwede ko bang makasama si Kyrie, kahit sa natitirang buhay ko na lang?" Nataranta naman ako dahil umiiyak na sya ngayon.

   "Pero ate..." Nasabi ko na lang.

   "Please Lei." Hinawakan nya pa ako sa kamay ko. "Please!"

   "Hindi kasi papayag si Kyrie." Yun naman ang totoo eh.

   "Kausapin mo naman sya please. Sya lang ang gusto kong makasama."

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon