Lei Eros
Wala palang pasok ngayon. Hmp! Nakakaboring naman. Wala rin si Kay-Kay ngayon dahil naging Uncle Drew na naman sya. Eng-eng din yung mga nakakalaro nya eh, di ba sila nagtataka, akala nila matanda talaga yung kalaro nila.
Nag-ring yung phone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag, si Sam pala.
"Hello?"
"Hello besh!" Masayang bati nya sa akin sa kabilang linya.
"Samahan mo naman ako pwede?" Tanong pa nya.
"Saan na naman?" I rolled my eyeballs.
"Sa mall. Let's go shopping. Ang boring ngayon eh." Parehas pala kaming boring ngayon.
"Sige." Pagpayag ko, wala naman akong gagawin eh.
"Kita na lang tayo sa mall besh. Lavya!" She ended the call.
Agad akong pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos ko ay nagbihis lang ako. Tinignan ko rin isa-isa yung mga pinto at bintana kung mga nakalock na. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay lumabas na ako at sumakay sa kotse ko.
Nakita ko si Sam sa parking lot ng mall. Kumaway sya kaagad ng makita nya ako.
"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi, kakarating ko lang din. Pasok na tayo."
We're really opposite. Pagirl sya manamit at ako naman ay hindi. Nakayellow dress sya ngayon and high heels. Ako naman ay nakaripped jeans and light green t-shirt.
Kung saan-saan na kami nakapunta. Naikot na namin ang buong mall. Ang dami nyang napamili, samantalang ako ay wala ni isa.
Tumingin ako sa wrist watch ko. Gabi na pala. Kinapa ko yung phone ko sa bag ko baka nagtext na si kingkong. Kinalkal ko na yung bag ko pero wala doon yung phone ko.
"Anong hinahanap mo dyan?" Napansin na ako ni Sam.
"Yung phone ko besh, di ko makita."
"Baka naman naiwan mo sa bahay nyo, o kaya sa kotse mo." Tinaasan pa nya ako ng kilay.
"Baka nga." Sagot ko na lang.
"Sige besh, see you tomorrow. Salamat sa pagsama sa akin." Yumakap pa sya sa akin.
"Okay, no problem." Kumaway ako sa kanya bago ako sumakay ng kotse ko.
Palabas na ako ng parking lot nang mag-ring yung phone ko. Naiwan ko nga dito sa kotse.
"Where the hell are you?" Galit na bungad sa akin ni Kyrie sa kabilang linya.
"Nandito ako sa manila zoo, hinahanap kita di kita makita dito."
"F*ck! Pwede ba seryoso ako. Nasan ka nga?" Nakagat ko yung ibabang labi ko.
"Pauwi na. Nagpasama lang sa mall si Sam." Sabi ko sa kanya.
"Hindi ka man lang magtext kung aalis ka." Medyo kumalma na sya.
"Naiwan ko kasi yung phone ko dito sa kotse."
"Kahit kelan ka talaga." Pagalit nya pa rin sa akin.
"Wag ka na magalit. May pasalubong naman ako sayo eh." Sabi ko habang nagpipigil ng tawa.
"Ano?" Tanong nya.
"Baging!" Di ko na napigil yung tawa ko. Narinig ko pang nagsasalita sya sa kabilang line pero pinatay ko na agad yung tawag.
Malamang asar na asar yung mukha nya ngayon.
-----
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."