Chapter 46

104 46 10
                                    

Kyrie

   Nagtaka ako nang paglabas ko ng pinto ay nakita ko yung isang babaeng nakatalikod. Nakasuot ng jacket at nakacap. I'm sure it's a girl because of her long rebonded hair.

   "Sino kaya to?" Takang tanong ko sa sarili ko. Lumakad na ako para buksan yung gate.

   "Miss, anong kelangan mo?" Tanong ko kaagad sa kanya. Nakatalikod kasi sya sa gate. Nakajacket din sya at kulay pula ang buhok.

  Humarap naman yung babae sa akin. Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makilala ko kung sino sya.

   "Kyrie..." Tawag nya sa pangalan ko.

   "Anong ginagawa mo dito?!" Matigas na tanong ko sa kanya.

   "Pinuntahan kita sa dati mong condo kaso wala ka na raw doon. Tinanong ko kung saan ka na nakatira ang kaso hindi alam ng mga staff. Tinanong ko yung address ng parents mo at yun ang ibinigay nila kaya pumunta—."

   "What do you want?!" Medyo lumakas na yung boses ko. Halatang nagulat din sya.

   "Kyrie, let's talk. Pag-usapan natin yung mga nangyari." Pakiusap nya.

   "Too late. I'm married. Kung wala ka ng sasabihin pwede ka nang umalis." Papasok na sana ako ng gate ng hilain nya ako sa braso.

   "Please Kyrie. Magpapaliwanag ako." Pagmamakaawa nya.

   "I said it's too late. May asawa na ako." Itinaas ko pa yung wedding ring namin ni Eros. Pero parang wala syang nakita.

   "Okay. Kung ayaw mo akong kausapin ngayon, fine. But it doesn't mean that I give up. Babalik na lang ako sa ibang araw." Sabi pa nya bago sya tuluyang umalis sa harapan ko.

   Matagal na syang nakaalis pero nakatulala lang ako sa labas ng gate namin. Bakit pa sya bumalik? Bakit kung kelan nakamove on na ako sa kanya saka sya bumalik? Kung kelan mahal ko na ang asawa ko saka pa sya bumalik.

   "F*ck!" I cursed, sabay hilamos ng mga palad ko sa mukha ko.

   "Pakyu ka rin!" Napalingon ako sa likuran ko. Si Al pala.

   "Sino ba yung tao at mukhang nabad trip ka?" Usisa nya sakin.

   "Bakit ngayon pa sya bumalik kung kelan okay na ang lahat?" Mahinang sabi ko.

   "Woah! Woah! Woah!" Mukhang gets nya yung sinabi ko.

   "Sya ba yung bisita? Pano nya nalaman tong bahay nyo?" Magkasunod na tanong nya.

   "Yes and I don't know." Sagot ko sa kanya.

   "Ow, I see..." Patango-tango nyang sabi.

   "But bruh, just don't hurt Lei. She's so fragile." Paalala nya sa akin.

   "What do you mean?" Nakataas kilay na tanong ko sa kanya.

   "Wala naman. Nagpapaalala lang ako." Seryosong sabi nya.

   "I will never cheat on my wife. She's the only woman that I love now."

   "Good to know that bruh." Tinapik nya pa ako sa balikat. "Tara na baka hinahanap na nila tayo."

   Pagbalik namin sa dinning area, nakita ko agad ang asawa kong nakangiti sa akin. Nginitian ko na lang sya kahit pilit lang iyon.

   "Sino yung tao bunso?" Si ate Asia yung nagtanong.

   "Ah, wala yun teh. Naliligaw ata kaya tinuro ko na lang yung palabas ng subdivision." Pagsisinungaling ko. Mukhang naniwala naman sila kasi hindi na sila nagtanong pa.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon