Chapter 19

173 54 16
                                    

Lei Eros

   Palabas na kami ni Kyrie nang bahay nang makita namin si Jayson sa labas nang gate. Nakasandal sya sa kotse nya habang nakacross arms.

   "What are you doing here?" Gulat na gulat kong tanong sa kanya.

   "Ihahatid ka sa school." Kalmadong sagot nya. Napalingon ako kay Kyrie at ang sama nang tingin nya.

   "Ano kasi Jayson, si Kyrie na maghahatid sakin." Bakit naman ganto yung eksena, ang aga-aga naman nang intense scene. At bakit kasi pumunta dito si Jayson nang wala man lang pasabi?

   "No, ako na." Nagkibit-balikat pa si Kyrie.

   "Ako na lang Kyrie." Hinawakan ako ni Jayson sa braso.

   "I said, ako na." Hinawakan din ako ni Kyrie sa isa ko pang braso.

   Hanggang sa para na kaming nasa thug of war. Ang sama nang tingin nila sa isa't-isa.

   "Ano ba kayong dalawa!" Sigaw ko sa kanila pareho at binawi ko sa kanila yung mga braso ko.

   "Nakakasakit na kayo ah." Angal ko dahil humihigpit na yung hawak nila sa akin. Natahimik naman silang dalawa.

   "Walang maghahatid sakin. Ako mag-isa ang papasok. Mga bwisit kayo!" Now, I'm pissed off already.

   "Kasalanan mo to eh." Paninisi sa kanya ni Jayson.

   "Ikaw ang may kasalanan. Asawa ko yan natural lang na ako ang maghahatid dyan." Sagot naman sa kanya ni Kyrie. Natahimik naman si Jayson sa sinabi ni Kyrie. Nagtitigan na naman sila nang masama.

  "Oh God! Di ba talaga kayo titigil?" Naiinis kong tanong sa kanila.

   "I'm sorry." Magkasabay nilang sabi sa akin. Tinignan ko lang sila nang masama at pumasok na sa bahay.

   Kinuha ko yung susi nang kotse ko. Sinundan na lang nila ako nang tingin nang lumakad ako papunta sa kotse ko at sumakay.

   "Buksan mo yung gate." Utos ko kay Kyrie. Sumunod naman sya kaagad.

   Nang mabuksan nya iyon, agad kong pinaharurot yung kotse palayo sa kanila. Bahala sila kung mag-away sila dyan.

   "Urgh! Parang mga bata!" Asar na sabi ko sa loob nang sasakyan.

   Nakita kong umilaw yung phone ko. Si Jayson yung tumatawag. Hindi ko iyon sinagot.

   Umilaw ulit yung phone ko, this time si Kyrie naman yung tumatawag. Hindi ko rin iyon sinagot. Kinuha ko yung phone ko at pinatay iyon. Ayoko munang makausap ni isa man sa kanilang dalawa.

   Pagdating ko naman sa school ay mukha naman ni Steven yung bumungad sa akin. Nadagdagan tuloy lalo ang inis ko dahil sa kalyo na to.

   "Good morning babe." Ngiting-ngiti na bati nya sa akin. Kulang na lang ilabas pati wisdom tooth.

   "Morning." Walang gana kong sagot at nagdiretso na papasok nang school pero humabol pa rin sya sakin.

   "Ako na magdala ng mga gamit mo." Akmang kukunin nya sakin yung backpack ko pero umiwas ako.

   "Magdala ka kasi ng gamit mo para hindi ka nangunguha nang ibang gamit." Mataray na sabi ko sa kanya. Natahimik naman sya.

   Lumakad na ulit ako pero sumabay pa rin sya sakin, but this time, tahimik na sya. Hindi na sya nangungulit.

   "Lei?" Tawag nya sakin. Tinignan ko lang sya at umirap.

   "Bakit ba ang init ng dugo mo sakin? May nagawa ba akong mali sayo? May atraso ba ako sayo?" Napakaseryoso nang boses nya ngayon.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon