Chapter 73

81 44 13
                                    

Third Person's POV

Pumunta si Kyrie sa bahay ni Kehlani upang kumustahin ito dahil umarte na naman itong masama ang pakiramdam. Inilusot nya ang kanyang isang kamay sa gate para buksan iyon. Nang makapasok ay dumiretso na rin sya sa loob dahil hindi naman nakalock ang main door niyon.

Inilibot nya ang kanyang paningin sa loob ng bahay pero wala si Kehlani kaya umakyat na sya para puntahan iyon sa kwarto. Pagbukas nya ng pinto ay hindi nya pa rin nakita ang dalaga. Lalabas na sana sya nang mapatingin sya sa terrace, nakita nya si Kehlani doon habang may kausap sa phone.

"Ayoko pang umuwi dyan hanggat hindi ko nababawi si Kyrie." Napahinto naman sya sa gagawing paglapit dito nang marinig nya ang pangalan nya. Imbes na lapitan ito ay nagkubli sya sa gilid ng sliding door na natatakpan ng kurtina.

"Belinda, uuwi rin naman po ako dyan but not now."

Nagtaka naman si Kyrie kung sino ang kausap nito kaya nakinig pa ulit sya. Tumahimik saglit si Kehlani.

"Wala akong choice kundi panindigan ang pagpapanggap na may sakit ako."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kyrie dahil sa kanyang narinig sa mismong bibig ni Kehlani iyon galing. Napaatras sya sa kanyang kinatatayuan at nagmadaling umupo sa kama dahil pakiramdam nya ay tinakasan ng dugo ang ulo nya.

"F*ck!" Mura nya. Naisip nya kaagad sila Eros at Sam, totoo pala ang mga sinabi nito sa kanya dati pero anong ginawa nya, mas pinaniwalaan nya pa ang dating kasintahan kesa sa sarili nyang asawa. "All this time, naniwala ako sa kanya. Ang laki kong tanga!" Mahinang sabi nya sa sarili. Naihilamos nya yung mga palad nya at sising-sisi sya ngayon sa mga nangyayari.

"Hey Kyrie, kanina ka pa dyan?" Alanganing tanong sa kanya ni Kehlani nang makapasok na ito sa loob ng kwarto.

"Kehlani, bakit?" Mahinahong tanong nya rito.

"Anong bakit?" Takang tanong rin nito.

"Bakit mo ako niloko?!" Sumigaw na sya sa galit. Tumayo pa sya at marahas itong hinila sa braso.

"Aray ko Kyrie, nasasaktan ako!" Angal naman nito sa kanya.

"Pinaniwala mo akong may sakit ka, akala ko nagbago ka na pero hindi pa pala. Sinira mo ang relasyon ko sa asawa ko dahil lang sa pagiging makasarili mo!" Galit na sabi nya sa dalaga.

Marahas namang binawi ni Kehlani ang kanyang braso. "Oo Kyrie, ginawa ko iyon para mapalapit ulit sayo," umiiyak na ito. "patawarin mo ako dahil yun lang ang alam kong paraan. Nung maghiwalay tayo, doon ko nalaman na mahal pala talaga kita. Nagpabulag lang ako sa kasikatang alok sa akin. Sobra akong nagsisisi sa ginawa kong pagtataksil sayo."

"Niloko mo na ako noon, tapos niloko mo na naman ako ngayon." Parang pagod na pagod na sabi ni Kyrie.

"Bumalik ako dito sa Pilipinas para sayo Kyrie pero huli na pala dahil may asawa ka na." Nagpahid pa ito ng mga luha. "Kyrie pakinggan mo muna ako, please." Pagmamakaawa pa nito sa kanya.

"What for? Pagkatapos ng nalaman ko wag kang umasa na makikipagkita pa ako sayo. Sinubukan kong intindihin ka dahil ang pagkakaalam ko ay may sakit ka talaga, sinunod ko ang pakiusap sa akin ng asawa ko para lang samahan ka dahil ang alam nya rin noon ay may sakit ka. Lahat kami dito niloko mo Kehlani. Sinamantala mo ang kabaitan ng asawa ko para lang sa kagaguhan mo!" Puno ng poot nyang sabi dito.

"Si Lei, naiinggit ako sa kanya dahil nakita kong mahal na mahal mo sya. Sa kabila ng pagpapanggap ko na may sakit ay doon ko nalaman na mabuting tao sya dahil lagi nya akong kinukumusta kung okay lang ako pero hindi na sya nagparamdam simula nung malaman nyang wala akong sakit. Siniraan ko sya sayo para magalit ka sa kanya pero hindi ko maiwasang maawa sa kanya dahil sa kabila ng kasamaang ginawa ko sa kanya ay kahit kelan ay hindi nya ako ginantihan. Naiinggit ako kay Lei, Kyrie alam mo ba yun? Dumating pa sa point na hiniling ko na maging ako na lang sya." Iyak na ito ng iyak.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon