Chapter 39

157 49 12
                                    

Lei Eros

Kasalukuyang pinapark ni Kay-Kay yung kotse nya sa bandang gilid ng school nang makita ko si Sam, hinahabol si Steven. Bat parang papunta sila sa amin?

Himinto sila sa mismong tapat ng kotse ni Kay-Kay. Napatingin ako kay Kay-Kay. Ang sama ng tingin nya sa labas.

Kinatok ni Steven yung bintana sa tabi ko. Medyo nagulat pa ako sa katok nya.

"Wala kang balak buksan?" Tanong sa akin ni Kay-Kay.

"Makikita ka nya." Nanlalaki yung mga mata ko.

"Tss!" Sabi nya sabay bukas ng bintana. Huli na bago ko sya napigilan.

Kitang-kita ko yung gulat sa mga mata ni Steven. Nafreeze din sya sa kinatatayuan nya.

"Why?" Bored na tanong sa kanya ni Kay-Kay.

"K-Kyrie?" Utal na tanong nya.

"Yes?" Sabi sa kanya ni Kay-Kay.

"Uhm, akala ko kasi si Jayson Tatum. Kotse nya kasi gamit nyo." Sabi naman ni Steven.

"This is my car. Hiniram nya lang sa akin to." Pagtatama ni Kay-Kay sa sinabi nya.

Natahimik naman si Steven. Halatang may gusto syang itanong pero hindi nya masabi iyon.

"Wag mo namang sungitan yung tao." Pabulong na saway ko kay Kay-Kay.

"Steven nga pala, classmate ni Lei." Pakilala nya. Inilahad pa nya yung kamay nya.

"Kyrie." Tinanggap naman ni Kay-Kay yung kamay ni Steven.

"Sige, mauna na ako." Paalam ni Steven sa amin. Hindi nya na inantay yung sagot namin at umalis na sya kaagad.

Nakaramdam naman ako ng awa para sa kanya. Naguilty tuloy ako kasi feeling ko niloko namin sya dahil hindi namin sinabi sa kanya yung totoo.

"Sige Kay, pasok na ako. Ingat sa pagmamaneho." Bilin ko sa kanya.

"Yes boss. Humabol kayo mamaya ah." Sabi nya bago pinaandar yung makina ng sasakyan. Pinapasunod nya kasi kami ni Sam, may laro kasi sila ngayon.

"Okay, bye." Bumaba na ako ng kotse nya.

"Ganon lang yun besh? Wala man lang goodbye kiss?" Tanong ni Sam habang sinusundan namin ng tingin yung papalayong kotse ni Kay-Kay.

"Hay besh, anyare? Bat kasama mo si Steven?" Imbes na sagutin ko sya ay iba ang itinanong ko.

"Nakita nya kasi na palapit yung kotse ni kuya Kyrie, akala nya si Jayson yung may-ari nun." Paliwanag nya.

"Tapos?"

"Tapos, di ko sya napigilan. Kung anu-ano na nga sinabi ko para wag syang lumapit sa inyo kaso mapilit talaga sya. Hihingi lang daw sya ng dispensa sa nangyari nung nakaraan. Yung sinundan ata nya kayo. Wala na finish na besh, buking na tayo." Malungkot na sabi ni Sam.

"Kakausapin ko na lang sya besh. Maiintindihan nya naman siguro."

"Tara samahan kita. Baka nasa garden na naman iyon." Sabi ni Sam.

Pagpasok namin ng school ay dumiretso kami sa garden ng school. Tama nga si Sam, nandon si Steven naninigarilyo.

"Hey!" Bati ko sa kanya.

"Hey, bat nandito kayo?" Ngumiti sya ng pilit sa amin. "Dahil ba kay Kyrie?" Dagdag na tanong nya pa.

"Oo." Maikling sagot ko.

Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita.

"Is he your man?"

Napatikom ako ng bibig dahil sa diretsahan nyang tanong at marahan na tumango.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon