Kyrie
Nandito ako ngayon sa bahay habang kaharap ang mga magulang ko pati na rin si Al. It's been a week simula nung makalabas ako ng hospital.
"So what now, guys?" Takang tanong ko sa kanila at inunat ko pa yung dalawang braso ko sa sandalan ng sofa.
"Let's wait for Asia." Sabi ni daddy. Nagkibit lang naman ako ng mga balikat bilang sagot.
"Yan na si ate." Si Al habang nakatingin sa hagdan. Kumunot naman ang noo ko ng makitang ang dami nyang dala, hindi ko alam kung ano ang mga iyon.
"Hay!" Sabi ni ate nang mailapag nya sa table yung mga dala nya. Nagpunas pa sya ng pawis. "Ang dami nito dad." Angal ni ate kay daddy.
"Ano ba kasi yan?" Irap kong tanong sa kanya.
"Okay, let's start." Sabi naman ni daddy at inisa-isang ilatag ang mga bond paper na may mga pictures ng mga tao. Nakita ko rin doon ang mga kateammates ko kaso hindi ko matandaan ang iba.
"Since tayo-tayo lang ang nakakaalam na you lost some of your memory, kailangang walang ibang makaalam nito kaya ipapakilala namin sayo lahat ang mga nasa larawan at kung ano ang kaugnayan mo sa kanila." Paliwanag ni daddy.
"Okay." Natatawa kong sabi dahil para kaming nasa isang action movie na kailangang magplano ng hakbang para hindi mapurnada ang plano.
"Wag ka ngang tumawa, seryoso to!" Siniko ako ni ate Asia kaya inakbayan ko na lang sya at pinisil sa pisngi.
"Makinig ka Kyrie, para rin ito sayo!" Pagalit naman ni daddy sa akin kaya sumeryoso na ako.
Nag-umpisa na si daddy na magpaliwanag at inisa-isa ang mga larawan, nakinig lang naman ako at tinandaan ko iyon lahat. Sa dami ng NBA players ay inisa-isa nya talaga iyon maging ang mga coaches and staffs.
"Now, dito naman tayo ngayon." Sabi ulit ni daddy at nilatag ang mga pictures ng mga babae. Napakunot naman ang noo ko ng makita ko ang picture nung jowa ni Al kaya kinuha ko iyon.
"Jowa mo to kalbo diba?" Sabi ko kay Al.
"Yeah." Sagot nito habang umiinom ng juice.
"Eto si Rihanna, ewan ko kung anong meron sa inyo dati pero parang may relasyon kayo dati. Eto naman si Halsey, katulad ni Rihanna ay nagkaroon din kayo ng ugnayan." Tumikhim muna si dad bago kinuha ang sunod na picture.
"Kehlani!" Walang emosyon kong sagot ng makita ko ang hawak nya. Bumalik sa isip ko ang ginawa nyang panloloko. Hindi lang isa kundi dalawang beses. Nagpanggap syang may sakit para lang magkaayos kami.
"Okay, mukhang hindi ko na sya kailangan pang ipakilala pa, moving on to the next picture," kinuha nya ulit yung isang picture pero inunahan ko ulit syang magsalita.
"Miranda Kerr?" Takang tanong ko. "Ang pagkakatanda ko dad is nakasama lang namin sya sa commercial shoot." Natatawa kong sabi.
"You're right hijo, akala ko nakalimutan mo na sya. Wala naman kayong relasyon ang kaso lang baka magkita kayo sa mga susunod na araw kaya isinama ko na sya."
"Okay, next is" Napanganga ako sa picture na hawak ngayon ni daddy. Sya yung babae sa hospital. Nakangiti ito sa picture habang nakaschool uniform.
"This is Lei Eros, anak sya nila Leonardo at Kate yung pinakita ko sayo kanina." Tumango naman ako pero nakatingin pa rin ako sa picture nung Lei Eros.
"She is your wife." Napanganga naman ako sa sinabi ni daddy dahil totoo nga yung sinabi ng babaeng yun sa hospital. Asawa ko sya? Pero hindi ko talaga maalala.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."