Lei Eros
Finals na namin ngayon, ang saya-saya lang dahil pagkatapos nito, woohhh bakasyon na!
"Patabi." Napalingon naman ako kay Steven at wala ng nagawa nang tumabi sya sa akin. Napapagitnaan nila ako ni Sam.
"Luh, mangongopya ka lang eh." Asar sa kanya ni Sam.
"Nah!! Gusto ko lang tumabi kay Lei, mamimiss ko kasi sya eh. Malapit na kasi ang bakasyon." Medyo malungkot na sagot nya.
"Hahaha... yan ang gusto ko sayo Steven eh, di ka pa rin nasuko." Asar pa rin sa kanya ni Sam.
"Hep! Ang ingay nyong dalawa." Awat ko sa usapan nila at baka kung saan na naman mapunta iyon.
"Alam mo Sam, tanggap ko na, na wala na talaga akong pag-asa kay Lei. Masama bang mamiss ang isang kaibigan?" Sagot ulit ni Steven.
"Sabagay, may point ka dun." Sang-ayon ni Sam at nag-apir pa sila.
Parang mga baliw lang. Mag-aasaran tapos magbabati rin naman.
Umayos naman kami ng upo ng dumating na si sir.
Napakatahimik ngayon ng room dahil wala munang daldalan. Lahat ay nakafocus sa exam.
Napatingin naman ako kay Steven nang tumayo sya at pumunta sa unahan.
"Tapos ka na agad?" Takang tanong ko. Pano nya agad natapos ang trigonometry ng ganun-ganon lang?
"Yup!" Nakangiti nyang sagot. Oo nga pala nasa dean's list rin pala sya.
Hindi na lang ako kumibo at pinagpatuloy ang pagsasagot ko sa test paper ko.
"Hay naku naman! Sana naging lalaki na lang ako!" Sabay kaming napalingon ni Steven kay Sam. Nakita kong nakasabunot yung isang kamay nya sa buhok nya habang may hawak na lapis.
"Why, what's the matter?" Natatawang tanong sa kanya ni Steven.
"Tatanong-tanong ka pa dyan. Ang hirap kaya ng exam." Nakangusong sagot naman ni Sam.
"Bakit naman sana naging lalaki ka na lang?" Ako naman yung nagtanong sa kanya.
"Kasi diba besh, karamihan ng lalaki magaling sa math." Umirap pa sya sa akin.
"Oo nga besh." Sang-ayon ko sa sinabi nya. "Si Kay-Kay, saglit lang sinagutan yung assignments natin dati dito ehh."
"Hala, madaya ka ah. May taga-gawa ka pala ng homeworks mo ah." Naglagot sign pa si Steven sa akin.
"Hindi ah. Minsan lang." I grinned, sabay peace sign.
"Ikaw na cute." Sabi bigla ni Steven sabay kurot sa pisngi ko.
"Tse!!" Sabi ko na lang sa kanya. "Magsagot na nga tayo besh baka maabutan pa tayo ng time." Baling ko naman kay Sam.
So ayun na nga, tumahimik na muna kami para mag-focus na ulit sa test namin.
Makalipas ang isang oras, narinig na namin ang bell, hudyat na tapos na ang subject namin.
"Okay class, finished or not finished, pass your papers." Sabi sa amin ng prof namin. Umingay naman ang loob ng classroom namin dahil ang iba sa kanila ay hindi pa yata tapos.
Wala naman silang nagawa at ipinasa rin nila iyon.
"Nasagutan nyo ba lahat?" Nakangiting tanong sa amin ni Steven.
"Yes." Maiksing sagot ko.
"Ako rin, kaso di ako sure sa last answer ko eh." Sagot naman ni Sam sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/167618747-288-k48976.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fiksi Penggemar"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."