Chapter 61

77 45 14
                                    

Kyrie

   Ilang araw na ang lumipas simula nang magtalo kami ni Eros, tama naman sya sa sinabi nya na choice ko kung paano ko ihahandle yung oras ko. Hindi ko napapansin na mas naibubuhos ko na yung oras ko kay Kehlani dahil madalas itong sumpungin ng sakit nya. Hindi ko rin napapansin na lumayo na ulit yung loob ng asawa ko sa akin pero nagtatampo lang naman ako sa kanya eh dahil sa sobrang mapagbigay nya pati ako ay kayang-kaya nyang ipahiram sa iba mapagbigyan lang ang hiling ng iba.

   "Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Tumabi sa akin si Kehlani sa sofa. Ipinulupot nya pa yung braso nya sa braso ko.

   "Iniisip ko lang ang asawa ko." Sagot ko sa kanya sabay alis ng kamay nya sa akin.

   "Bakit? Nagagalit na ba si Lei? Pasensya ka na kung dahil sa akin ay nagkakagalit kayo ng ganyan." Malumanay na sabi nya sa akin. Napapikit naman ako ng mariin dahil sa mga nangyayari.

   "Pwede bang kumuha ka na lang ng private nurse, Kehlani?" Sabi ko sa kanya.

   "Para saan pa? Mamamatay na rin lang naman ako." Lumungkot ang mukha nito.

   "Pumayag naman si Lei sa gantong set-up eh, bakit ka pa nagwoworry dyan?"

   "Oo pumayag ang asawa ko, mabait kasi yun eh saka hindi makasarili. Laging iniisip ang ibang tao." Sarcastic kong sagot sa kanya. Kahit magkasama kaming dalawa ay si Eros lagi ang laman ng isip ko. Natahimik naman sya bigla.

   "Punta tayo ng mall, may bibilhin lang ako." Sabi nya. Hindi na lang ako kumibo. Eto lang ang gawain ko sa kanya ang ipagdrive sya kung saan man sya pupunta.

   Nauna na akong sumakay sa kotse ko. Hinintay ko na lang syang makasakay.

   "Ang ganda ni Lei no?" Sabi nya habang nakatingin sa picture ni Lei sa dashboard ko kaya napatingin rin ako doon.

   Nakangiti ang asawa ko doon at labas ang magkabilang dimples, kuha iyon nung bagong gising sya. Ako ang nagpumilit kuhanan sya noon. Napangiti naman ako nang maalala ko iyon.

   "Mahal mo talaga sya no?" Malungkot na sabi nya. Hindi pa rin ako kumibo at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.

   Wala naman nang umimik sa amin hanggang sapitin namin ang mall.

   Agad syang kumapit sa braso ko nang makababa kami. Inayos ko naman yung suot kong sumbrero.

   Naglalakad na kami sa loob ng mall ng pagkumpulan kami ng mga tao. Hindi ko pinapansin ang mga iyon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Iisa lang ang tanong nila, bakit sya ang kasama ko imbes na ang asawa ko.

   "Bilisan mo na mamili." Madali ko sa kanya.

   "Sige." Sagot nito. Ako naman ang nagdala ng basket para sa pinamili nya. Lagay lang sya ng lagay doon.

   "Kehlani, bakit magkasama kayo ni Kyrie?" Tanong nung isang babae.

   "Pinagdrive nya lang ako." Nakangiting sagot nito kaya nag-init yung ulo ko dahil paniguradong lalabas iyon sa news.

   Dinikitan ko sya para kausapin. "Don't answer anything, you bastard!" Gigil kong bulong sa kanya pero nginitian nya lang ako. Nagulat naman ako nang hawakan nya ako sa kamay habang naglalakad. I'm sure may kumukuha ng picture namin.

   "F*ck!" I cursed at mabilis na binawi ang kamay ko. "Umayos ka kundi iiwanan kita ngayon dito." Banta ko sa kanya. Nakita ko namang naalarma sya kaya tumino naman sya.

   Pagkatapos nyang mamili ay nag-aya syang kumain pero hindi sa loob ng mall kundi sa isang mamahaling restaurant.

   Nang makapasok kami sa loob ng restaurant ay kaagad kaming humanap ng table. Magkaibang-magkaiba sila ni Eros, si Eros kahit saan lang kumain ay okay lang pero ang isang ito simula pa lang nung una ay gusto nya sa mamahaling restaurant kumain.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon