Chapter 25

162 52 22
                                    

Lei Eros

"Then what do you want?"

"Ikaw!"

"Besh, okay ka lang? Kanina tulala ka, ngayon naman namumula ka."

Napabalik ako sa sarili ko ng inuga ako ni Sam. Hindi kasi mawala sa utak ko yung sinabi ni Kyrie sakin kanina bago ako umalis ng bahay.

Kinapa-kapa pa nya yung noo at leeg ko. "Di ka naman mainit."

"Wala akong sakit, okay." Sabi ko sa kanya para matigil na sya sa pagkapa sa akin.

Inilapit nya yung bibig nya sa tenga ko at bumulong.

   "Baka naman buntis ka na besh?"

   "What?!" Malakas na sabi ko. Napatingin naman kaming dalawa sa paligid namin at lahat ng classmates namin ay sa aming dalawa nakatingin.

   "Lakasan mo pa Ms. Irving. Hindi pa rinig sa kabilang room." Mataray na sabi sa amin ng prof namin.

   "Sorry po ma'am. I was just... carried away." Hiyang-hiya na sabi ko.

   "Bwisit ka naman kasi. Virgin pa ako no!" Galit na bulong ko sa kanya.

   "Hahaha, ako rin naman no. Baka lang naman bess."

   "Napakaadvance mo talaga mag-isip no?"

   "Ganon talaga." Nagflip pa sya ng hair nya.

   "Ms. Irving and Ms. Griffin, last warning. Pag di pa kayo tumahimik papalabasin ko kayo sa klase ko." Mataray na naman na sabi sa amin ng prof namin. Napahawak na lang ako sa bibig ko habang si Sam naman ay parang wala lang iyon sa kanya. Nakita ko pang nagkibit lang sya ng mga balikat.













—————

   "Sinong pinagalitan kanina?" Pang-uurat sa amin ni Steven nang umalis na yung braguda naming prof. Umupo pa sya sa desk ko habang yung kamay nya ay nakapatong sa sandalan ko.

   "Bwisit kasi tong si Sam, kung anu-anong pinagsasabi." Umirap pa ako kay Sam.

   "Class, we have a visitors!" Masayang announce sa amin ni sir Russel.

   Automatic na napalingon kaming lahat sa harapan at automatic na nalaglag yung panga ko nang pumasok na yung tinutukoy nyang visitors.

   Unang pumasok si kuya Al, sumunod si kuya Morris, si kuya Smart. Sumunod naman si Jayson at huling-huli namang pumasok si Kyrie na ikinaingay lalo ng klase namin.

   "Anong ginagawa nila dito?" Tanong ko sa sarili ko.

   "Hindi ko rin alam." Napalingon ako kay Sam na halatang gulat din sa nangyayari.

   "Hi hon!" Kumaway sa kanya si kuya Al. Kinilig naman yung mga classmates namin.

   "Hi din." Namumulang sagot ni Sam. Napatingin naman ako kay Kyrie na seryosong-seryoso yung mukha.

   Nakita kong inilabas nya yung phone nya at nagtype. May katext siguro.

   Saktong napatingin ako sa phone ko at nakita kong umilaw iyon sa kamay ko. Napatingin ako ulit sa kanya at agad na nagtama ang mga mata namin.

   Tinignan ko kung sino yung nagtext. Ako pala yung tinext nya.

   "Paalisin mo yang lalaki sa desk mo."

   Napakunot-noo naman ako dahil sa text nya. Pasimple kong tinignan si Steven. Nakatingin lang sya sa unahan at ngiting-ngiti.

   "Ayoko." Inireply ko sa kanya.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon