Chapter 53

93 46 10
                                    

Kyrie
  
   Kanina pa ako nakatayo dito sa dulo ng hallway sadyang inaabangan ko ang kanyang pagdaan. Nang makita ko syang papalapit sa akin ay kaagad kong hinigit ang kanyang braso.

   "Sinusundan mo ba kami?" Tanong ko kaagad sa kanya. Ngumiti lang naman sya sa akin at inalis ng dahan-dahan ang pagkakakapit ko sa braso nya.

   "Easy Kyrie." Natatawang sabi nya. "It's just a coincident."

   "You can't fool me Kehlani!" Mariing sagot ko sa kanya.

   "Nasa sayo na yan kung ayaw mong maniwala." Sagot nya at naglakad papalayo sa akin.

   "Please! Not my wife." Buong pag-aalalang pakiusap ko sa kanya. Napahinto naman sya at humarap sa akin.

   "Babawiin ko lang naman kung ano ang akin." Seryosong sagot nya at tinitigan pa ako sa mga mata.

   "I am not yours anymore." Mahina kong sabi.

   "I don't believe you." Sagot nya at lumapit bigla sa akin at siniil ako ng halik sa mga labi. Hinawakan ko naman sya sa magkabilang braso at marahas na inilayo.

   "Nababaliw ka na!" Galit kong sabi.

   "Bakit Kyrie, hindi mo na ba ako mahal?" Now she's crying.

   "Stop crying Kehlani, I'm married." Pagdidiin ko sa kanya. Binitawan ko na rin yung mga braso nya.

   "I know, but I also know that you don't love her."

   Hindi na lang ako sumagot at nag-umpisa nang maglakad palayo. Hindi pa ako nakakalayo ng tuluyan ng bigla nya akong yakapin sa likuran kaya napahinto ulit ako.

   "I miss you, boo." Masuyong sabi nya habang nakayakap sa akin.

   "Enough." Sabi ko sabay kalas ng pagkakayakap nya.

   Naglalakad na ako pero narinig ko pa yung mga ibang sinabi nya.

   "I know you miss me too my boo. Babawiin kita sa kanya." Sigaw nya kaya mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko.

   Binalikan ko ang mga kasama ko sa labas. Nakita ko silang masaya pa ring nagsasayawan doon. Imbes na lumapit ay umiba ako ng daan. Nakita kong may bucket ng beer sa gilid at kumuha ako ng isa.

   Naglakad ako papalayo sa kanila, gusto ko munang mapag-isa ngayon. Malayo-layo na rin ang nalalakad ko nang sumulong ako sa mababaw na parte ng dagat at nakitang may malaking bato doon. Inakyat ko iyon at doon naupo.

   Iniisip ko ang mga nangyari kanina. Kanina lang masaya kami tapos ngayon biglang nag-iba. Wala sa loob na nahawakan ko ang mga labi ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala talaga akong maramdaman na kahit ano mula sa halik nya. Bakit ba kasi hindi nya na lang tanggapin na tapos na kami? Nagawa nya akong iwan noon, magagawa nya pa rin yun ngayon.

   Tinungga ko ang hawak kong alak at kinalahati iyon. Nakatitig lang ako sa kawalan at inalala ang mga nangyari noon.













—————

   "Boo!" Masayang kumakaway sa kanya ang kanyang girlfriend na si Kehlani. Agad naman syang tumakbo rito at niyakap ito.

   "Musta araw mo?" Bati nya sa kasintahan at inakbayan ito.

   "Okay naman. Medyo nahirapan lang talaga ako sa exam kanina." Nakangiwing sagot nito. Medyo mahina kasi sa eskwela ang kanyang girlfriend.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon