Lei Eros
"Besh, peram make up kit mo." Sabi sa akin ni Sam.
"Dyan, kunin mo na lang sa drawer." Turo ko sa drawer ng salamin. Talaga tong babae na to, ang hilig magmake up.
"Di pa ba kayo tapos girls?" Tanong sa amin ni kuya Al.
"Magpapaganda pa ako, wag ka ngang excited dyan." Irap sa kanya ni Sam.
"Di mo na yan kelangan, maganda ka naman na." Nakangiting sabi ni kuya Al sa kanya.
"Ayieh, ang sweet naman." Asar ko sa kanila. Namula naman si Sam.
Actually, tapos na ako. Si Sam na lang talaga yung inaantay namin.
Nagsusuklay ako nang makita kong lumabas si Kay-Kay mula sa walk-in shoe cabinet namin.
"Ayaw mo ng pula ngayon ah." Puna ko sa kanya. Nakapulang hoody kasi sya tapos pulang shoes yung dala nya.
"Hehe..." Nasabi nya na lang. Pumunta sya dun sa upuan sa gilid. Red din yung kulay ng upuan.
Natuwa ako kaya kinuha ko yung phone ko at kinuhanan sya ng picture.
"Smile." Sabi ko sa kanya habang nagsisintas sya ng sapatos. Nagsmile naman sya.
"Ipost ko nga to." Sabi ko. Nakichismis naman si kuya Al sa ginagawa ko at umakbay pa sa akin. Ipinost ko iyon sa instagram.
Nilagyan ko iyon ng caption na...
Kelangan nakangiti pag nagsisintas ng sapatos?😁
"Buang ka talaga." Tawa ni kuya Al sa ginawa ko.
"Bakit?" Takang tanong ni Kay-Kay sa amin.
"See it bruh, nakatag ka naman eh." Sabi sa kanya ni kuya Al.
Kinuha nya yung phone nya sa bulsa at tinignan yung instagram nya.
"Baliw ka talagang babae ka. Kaya pala pinicture-an mo ako." Sabi nya at binalik sa bulsa yung phone nya.
"Pinusuan ko na." Dagdag pa nya.
"Mommy, naiinis ako sa suot mo." Biglang sabi nya sa akin.
"Bakit?" Takang tanong ko. Okay naman yung suot ko ah.
Nakamini dress ako na medyo mababa yung neckline tapos tinernuhan ko ng white rubber shoes.
"Okay naman suot ko ah." Sabi ko pa.
"Basta ayoko ng suot mo."
Napasimangot na lang ako sa sinabi nya.
"Ayaw pa kasing sabihin na sexy si Lei." Sabat sa amin ni kuya Al.
Nakita ko namang naghimas ng batok si Kyrie.
"Shall we, guys?" Masayang tanong ni Sam.
"Hay sa wakas. Natapos ka din." Sabi ni kuya Al sa kanya.
Naunang lumabas sila Sam sa amin.
"Wait Eros." Sabi ni Kay-Kay kaya napatigil ako.
May inilagay sya sa leeg ko. Isang gold na kwintas na nakaprint yung pangalan nya.
"Wow, thank you." Sabi ko at niyakap ko pa sya. Ang sweet naman ng kingkong na to.
"Yan, siguro naman mababasa na nila yang nakalagay dyan sa kwintas mo." Nakangusong sabi nya.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fiksi Penggemar"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."