Chapter 55

92 45 5
                                    

Kyrie

   Naging malungkot ang finals para sa amin dahil hindi kami nakapasok. Natalo kami laban sa bucks.

   "Hi daddy!" Masayang bati sa akin ni Eros sa locker room. "Nice effort." Yumakap pa sya sa akin kahit pawis na pawis ako. Niyakap ko naman sya pabalik.

   Nanatili kami sa ganoong pwesto nang medyo matagal. Ako na ang kusang kumalas at umupo sa gilid. Hinubad ko rin yung suot kong jersey.

   "Hey daddy! Cheer up! You did great. No matter what happen I'm still your number one fan and I'm so proud of you." Ikinulong pa nya yung mukha ko sa mga palad nya.

   "Thank's mommy." Ngumiti pa ako ng pilit sa kanya. Pasalamat na lang ako at nandito sya ngayon sa tabi ko.

   "Bihis lang ako mommy para makauwi na tayo." Sabi ko sa kanya. Lumabas naman sya ng locker.

   Nang makabihis ay lumabas na ako kaagad, nalukot naman ang mukha ko ng hindi ko makita si Eros doon kundi si Kehlani.

   "Anong kelangan mo?" Galit na tanong ko sa kanya.

   "Alam ko wrong timing ako pero gusto kitang makausap." Napakaseryosong sabi nito. Hindi ko sya inimik at nilagpasan ko sya.

   "May sakit ako!" Sabi nito kaya napahinto ako at humarap sa kanya.

   "Edi magpagamot ka." Nakakaloko kong sabi sa kanya.

   "Cancer." Malungkot na sabi nito kaya natigilan rin ako.

   "Kelan pa?"

   "2 years ago." Sagot nito. May inabot sya sa aking card. Wala sa loob na kinuha ko iyon.

   "Kapag may oras ka, gusto kong mag-usap tayo." Nagpahid pa ito ng luha at ngumiti sa akin. Sasagot pa sana ako nang makita ko ang asawa kong papalapit sa amin.

   "Hi ate." Masayang bati ni Eros rito at niyakap pa si Kehlani. "Why are you here?" Nakangiti rito si Eros.

   "Nothing, I just want to have picture with your husband." Ngumiti pa ito. Labanan ng dimples ang usapan.

   "Ah, wow naman. Kay, fan mo pala si ate Kehlani eh." Sabi sa akin ni Eros at yumakap pa. Nakaramdam naman ako ng guilt para sa kanya dahil wala syang kaalam-alam tungkol sa amin ni Kehlani.

   "Nakapagpapicture na po ba kayo?" Tanong pa nito kay Kehlani.

   "Yeah, tapos na. Sige mauna na ako." Paalam nito sa amin at tinignan ako ng makahulugan.

   "Let's go daddy." Aya naman sa akin ni Eros. Inakbayan ko pa sya habang naglalakad kami. Nauna nang umuwi sa amin sila Sam.

   Dumaan muna kami sa isang kainan bago tuluyang umuwi.













—————

   Nasa tapat ako ng isang bahay ngayon. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko dito. Nag-aalangan akong pindutin ang doorbell nito. Huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang pinindot iyon.

   "Gagawin mo to para may closure na kayo." Kausap ko sa sarili ko.

   Bumukas naman ang pinto at nakita kong papalakad si Kehlani sa gate. Nakangiti ito sa akin. Tinignan ko naman ito. Ibang-iba sila ni Eros, ang isang ito ay todo postura kahit nasa bahay lang.

   "Come in." Tuwang-tuwa na sabi nya, alanganin man ay sumunod ako sa kanya.

   "What do you want? Coffee, juice or—."

   "Nothing." Putol ko sa mga sasabihin nya kaya napahinto naman sya.

   "Uuwi na ako." Sabi ko sa kanya dahil hindi ako komportable ngayon sa sitwasyon.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon