Lei Eros
Nasa library kami ngayon ni Sam dahil may hinahanap kami para sa assignments namin.
"Besh, kelan matatapos yung make over sa bahay ng parents ni kuya Kyrie?" Mahinang tanong nya. Oo nga pala sila pala ang features ngayon sa palabas na My Houzz.
"Sabi nya 1month daw yun eh, so malapit na pala besh. Last week na ngayon." Sagot ko.
"Ah, si ate Asia naman madalas nandun diba?" Tukoy nya sa ate ni Kay-Kay.
"Oo, kasi di naman matututukan ni Kay-Kay yun. Alam mo na, busy sa saging yun."
"Gaga ka talaga." Ang lakas ng tawa ng baliw.
"Ssshhh!" Saway sa amin ng librarian. Sabay naman kaming nagpeace sign.
"Yan, ingay mo kasi." Sabi ko sa kanya. Nagflip lang sya ng buhok nya.
"Bat nga pala wala si ate Asia nung kasal nyo?" Tanong ni Sam.
"Di ko alam. Saka di ko pa nameet in person yung ate nya." Sagot ko.
"Ang ganda nya kaya." Sabi nya pa. Nagkibit lang ako ng balikat.
Alam ko kasi may kapatid si Kyrie pero hindi ko pa nakikita ng personal kasi sa ibang bansa na iyon nakatira. Sa bahay nila sa amerika. Sa mga picture ko lang sya nakikita.
"Binati nya naman kami ni Kyrie nung nalaman nyang kinasal kami." Kwento ko kay Sam.
"Ah, naks naman. Tanggap ka ng sister mo." Kantyaw sakin ni Sam.
"Lumabas nga kayong dalawa. Kanina pa kayo dyan eh." Galit na sabi sa amin ng librarian.
"Tara na besh, tapos naman na tayo eh." Sabi ni Sam. Tumayo na kaming dalawa at iniligpit yung mga librong ginamit namin.
Paglabas namin ay dumiretso kami ng tambayan. Mahaba pa ang vaccant namin dahil wala ang prof namin.
"Anong gagawin natin ngayon besh?" Tanong sakin ni Sam.
"Matulog. Inaantok ako eh." Sagot ko sa kanya.
"Mukhang di ka makakatulog besh." Sabi ni Sam sabay nguso sa likuran ko.
Nakita ko si Steven, palapit sa amin. Ang layo pa lang ay nakangiti na agad ito.
"Hi girls." Bati nya ng makalapit sa amin. Umupo naman sya sa tabi ko.
"Hi!" Bati rin namin sa kanya.
"Ang boring no?" Puna nya sa katahimikan.
"Kaya nga eh." Sagot naman ni Sam.
"Nasa tv ulit asawa mo ah." Baling ni Steven sa akin.
"Ah, oo. Guest kasi sila." Sagot ko.
"Tss, ang yaman-yaman inantay pa yung My Houzz para marenovate yung bahay ng parents nya."
Sa sinabi ni Steven ay nagpantig yung tenga ko. Hindi ko gusto yung sinabi nya.
"Why, do you care? Saka si Kyrie ang may gusto nun, surprise nya yun sa parents nya." Medyo umalsa yung boses ko.
"Woah, relax Lei. Biro lang naman yun." Awat nya sa akin.
"Hindi ko kasi gusto yung sinabi mo eh." Seryosong sabi ko.
"My bad. Sorry." Apologize nya agad sa akin. Hindi ako kumibo.
"Saka si kuya Kyrie naman yung nagbayad lahat nun Steven." Singit ni Sam.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."