Chapter 76

79 44 7
                                    

Lei Eros

Nagising ako ng may maramdaman akong umuuga sa tabi ko, paglingon ko kay Kyrie ay nakita ko syang nakatalukbong ng kumot at nanginginig kaya napabalikwas ako ng bangon.

"Kay!" Sabi ko at kinapa ko kaagad ang noo nya. Sobrang init nya.

"Kay!" Tawag ko pero nanginginig lang sya kaya nataranta ako.

"Mom! Dad!" Sigaw ko. Niyakap ko naman ang asawa ko. Sumigaw ulit ako para tawagin ang mga magulang ko pero wala pa rin sila. Pati ako ay umuuga na rin dahil sa lakas ng panginginig ni Kyrie.

"Mom! Dad!" I shouted at the top of my lungs. Umiiyak na rin ako. This time ay narinig ko nang may tumatakbo papunta sa kwarto ko.

"What happen?" Tanong kaagad ni daddy. Agad nya naman kaming nilapitan ng makitang nanginginig si Kyrie.

"Call the doctor, hon!" Utos nya kaagad kay mommy. Lumabas naman kaagad si mommy para tawagan yung family doctor namin.

"Daddy, ang asawa ko!" Umiiyak kong sabi habang nakayakap kay Kyrie.

"Don't cry baby. Parating na si doc." Pang-aalo nya sa akin.

"Maghanda ka ng tuyong damit ni Kyrie at tuwalya anak!" Utos sa akin ni daddy, wala sa sariling napasunod ako. Nakita kong binuhat ni daddy si Kyrie at dinala sa banyo

"Anak! Nasan ka na? Ang tuwalya!" Sigaw sa akin ni daddy kaya napatakbo ako kaagad sa banyo. Hinubaran ni daddy ng damit si Kyrie at kaagad tinuyo ang katawan nito.

"Nak, tulungan mo ako. Tuyuin mo yung ibabang parte nya at palitan mo ng damit."

Although nakita ko naman na yung tinatago ni Kyrie ay hindi ko mapigilang mailang dahil nandito si daddy. Napapikit na lang ako bago ko gawin iyon. Nang mabihisan namin si Kyrie ay binuhat ulit ito ni daddy pabalik sa kama namin. Inayos naman ni daddy ang pagkakahiga nito.

Tinignan ko si Kyrie, umayos na ang lagay nito hindi katulad kanina ay ang lakas ng panginginig nito.

"Hintayin na lang natin si doc para maresetahan sya ng gamot." Sabi ni daddy.

"Thank's dad." Yumakap pa ako sa kanya. Laking pasasalamat ko dahil nandito si daddy at alam nya ang gagawin dito.

Bigla namang pumasok si mommy sa kwarto kasama sila Manang Belen at Tina.

"Kumusta si Kyrie, hon?" Tanong kaagad ni mommy.

"Okay na hon, epekto na yata yan ng pagbababad nya sa ulan." Malungkot na sabi ni daddy.

"Parating na si doc." Sabi ni mommy. Lumapit naman ako kay Kyrie at yumakap sa kanya. Naramdaman ko namang yumakap yung isang braso nya sa bewang ko.

Hindi ako nagsalita at hinahaplos ko lang ang mukha nya habang umiiyak ako.

"Umiiyak ka na naman." Nanghihinang sita nya sa akin.

"Ang panget mo kasi! Pinag-alala mo talaga ako ng sobra." Maktol ko sa kanya. Narinig ko namang tumawa sila daddy sa gilid ko.

"Thank's dad." Pasasalamat ni Kyrie kay daddy.

"No problem. Magpahinga ka na muna at mamaya ay titignan ka ni doc." Bilin pa nito kay Kyrie.

"Manang lutuan mo po si Kyrie ng soup para makahigop sya ng mainit na sabaw." Utos ni mommy kay Manang Belen. Tumalima naman ito at lumabas na.

"Maiwan muna namin kayo. Babalik na lang kami kapag andito na si doc." Sabi ni daddy. Tumango lang naman ako at hinarap ulit si Kyrie.

"Sorry!" Sabi ko sa kanya dahil feeling ko ay ako ang may kasalanan nito.

"Bat ka nagsosorry?" Nakapikit na tanong nya.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon