Kyrie
Nauna akong umuwi kesa kay Eros. Di naman nagtagal at dumating na rin sya. Agad akong lumapit sa kanya para tulungan sya sa pinamili nya.
"Ako na dyan." Sabi ko sa kanya. Ang walangya, yung mga hawak nya isinalya ba naman sakin.
"Oh, ayan! Diba sabi mo ikaw na? Gusto mo yan eh." Sabay iwan sakin. Bakit pati sakin galit sya?
Binuhat ko na lang lahat iyon at nag-umpisa na rin magluto dahil gabi na rin.
Abala ako sa pagluluto nang bigla syang sumulpot sa kusina. Itinapat nya yung screen ng phone nya sa akin. Kavideo call nya pala sila mommy.
"Hi hijo, kamusta kayo dyan? Happy new year." Sabi sakin ni mommy nang makita ako sa camera.
"Okay lang naman kami mom, nothing to worry about."
Ipinatong nya yung phone sa lamesa, nangalay na siguro.
"Mabuti naman at si Lei ang kasama mong mag-new year, hindi yung kung sinu-sino lang." Singit ni daddy.
"Dad, magbabagong taon na, pwede wag mo muna akong sermunan?" Angal ko sa kanya.
"Sinasabi ko lang Kyrie. Anyway, happy new year sa inyo dyan."
"Happy new year too. Love you both." Sabi ko sa kanila.
"Nasan na pala si Lei?" Hanap sa kanya ni mommy. Napatingin tuloy ako sa babaeng nagtitimpla ng kape.
"Nagkakape na naman." I said.
"Tawagin mo nga at may sasabihin ako." Pakisuyo ni mommy.
"Bru, tawag ka ni mommy." Sabi ko sa kanya. Umirap muna sya sa akin bago lumapit.
Pagtapat nya sa screen ay bigla syang ngumiti. Natawa ako sa ginawa nya.
"Pfft!" Sabi ko kaya tinignan nya ako nang masama.
"Ano po yun mommy?" Nakangiting tanong nya.
"Hija, since 2019 na, bigyan nyo na kami ng apo ni Kyrie, please."
Literal na napanganga sya sa sinabi ni mommy. Ang epic nang mukha nya ngayon.
"Hehe, ikaw talaga mommy, palabiro ka talaga." Sabi nya kay mommy.
"No hija, I'm not joking." Sagot ni mommy. "Kyrie..." Tawag naman nya sakin.
"Yes mom?" Mukhang alam ko na yung sasabihin nya.
"Anak naman, bigyan nyo na kami ng apo."
"Wag kang mag-alala mom, akong bahala dyan." Kumindat pa ako sa kanya.
"Opo, sya pong bahala dyan. Marami po yang aanakan." Singit naman ni Eros. Tumingin pa sya sakin sabay irap.
"Ay naku, ayoko sa iba. Gusto ko sayo lang!" Bulalas ni mommy.
"Kyrie, ayokong magkaapo sa iba. Tandaan mo gusto ko kay Lei lang. Hindi ko kikilalaning apo yun kapag sa iba nanggaling." Si mommy talaga ang OA din minsan.
"Noted mom. Akong bahala nga diba. Bibigyan kita nang isang basketball team kasama pa yung mga coaching staff."
"Ouch!" Nasabi kong bigla dahil kinurot ako sa tagiliran ng bruha.
"Sige, gusto ko yang sinabi mo anak. Oh pano, babye na muna. May pupuntahan pa kami ni daddy mo." Paalam na ni mommy.
"Okay po." Magkasabay naming sagot ni Eros. Pinindot na ni Eros yung end call.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."