Lei Eros
Madilim ang buong bahay nang dumating ako. Wala na naman si Kay-Kay. Umakyat na ako kaagad ng kwarto para magbihis. Nagulat ako nang wala akong madatnan na mga gamit ko sa loob ng kwartong ginagamit ko.
Lumabas ako at dumiretso sa kwarto namin ni Kay-Kay. Kaya naman pala, inilipat na nya ulit dito yung mga gamit ko.
Nagbihis na ako nang damit pambahay. Napatingin ako sa salamin, nakita kong medyo malaki yung kalmot ni panghi sa akin.
"Pano ko na itatago to?" Problemadong tanong ko sa sarili ko.
"Alam ko na!" Tuwang-tuwa ko na sabi. May kinalkal ako sa cabinet. Nang makita ko yung pakay ko ay agad ko iyong isinuot.
"Eros, nandyan ka na ba?" Narinig ko yung boses ni Kay-Kay sa labas ng pinto.
Saktong paglingon ko ay nabuksan nya na yung pintuan.
"Hi!" Kumaway pa ako sa kanya. Nagsalubong yung kilay nya nang tumingin sya sa akin.
"Why are you wearing that?" Salubong pa rin yung kilay na tanong nya sakin. Itinuro nya pa yung choker na suot ko.
"Wala lang. Gusto ko lang." Kinapa ko pa iyon sa leeg ko.
"Remove it!" Authoritative na sabi nya sakin.
"But why?" Takang tanong ko.
"I said, remove it!" Ulit nya sa sinabi nya.
"Bakit nga muna kasi?"
Inihilamos nya muna yung palad nya sa mukha nya.
"I don't know kung sinong nagpauso nang choker na yan. Di nyo ba alam na ang choker dati ay ginagamit lang ng mga bayarang babae?"
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nya.
"Ewan ko ba sa inyong mga babae bat ginagawa nyong pang fashion yan." Lumapit sya sa akin at agad na tinanggal yung choker sa leeg ko. Lalong nanlaki yung mga mata ko. Patay na!
"What the heck!! Anong nangyari sa leeg mo?" Galit na tanong nya sa akin. "Ang haba nyan ah."
"Uhm, a-ano kasi. S-sumabit ako sa alambre. Oo sumabit ako dun kanina." Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.
"Liar!" He said with disbelief.
Inilabas nya yung phone nya at may tinawagan.
"Hello, Sam?" Napakagat ako nang labi nang malaman ko kung sino yung tinawagan nya.
"Anong nangyari sa leeg ni Eros?" Diretsong tanong nya.
"That bitch!... Okay. Hindi kasi to nagsasabi nang totoo eh kung anong nangyayari sa kanya." Sabay tingin nya sakin nang masama.
"Okay... Bye Sam. Thank's." He ended up the call. Medyo matagal din yung usapan nila.
"Kaya pala may nalalaman kang pachoker-choker, may tinatago ka pala." Tinitignan nya ako ng maigi.
"Ano bang sabi sayo ni Sam?" Mahinang tanong ko.
"Kinuwento nya lang naman lahat-lahat ng ginagawa sayo ng babaeng yun."
Si Sam talaga, napakadaldal.
"Now tell me, bakit hindi ka nagsasabi sa akin ng totoo? Ganyan na pala yung ginagawa sayo." Galit pero mahinahong sabi nya na sa akin.
"Eh kasi magagalit ka eh." Nakayukong sabi ko habang nilalaro yung laylayan ng damit ko.
"Talagang magagalit ako. Baka balian ko pa nang leeg yun pag nakita ko. Naku baka makapatol ako ngayon sa babae." Gigil na sabi nya. Hindi na lang ako kumibo. Ang sungit ni kingkong ngayon ah.
BINABASA MO ANG
Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]
Fanfiction"My name is Lei Eros DiCaprio at the age of 16, I am secretly married to one of the most popular basketball player, named Kyrie Irving."