Chapter 3

253 58 10
                                    

Lei Eros

   Nagising ako sa marahang pag-uyog ng katawan ko.

   "Bonsai, wake up. Wala ka bang balak pumasok?" Ginigising pala ako ng gorilyang tatuan.

   "Anong oras na ba?" Tamad kong sabi.

   "It's already 6:30 to be exact." Dahil sa sinabi nya ay napabalikwas ako ng bangon. Lagot ako nito, late na ako. Ang pasok ko sa school is 7:30am. Agad akong tumayo at kumuha ng mga susuotin ko at nagtuloy-tuloy na sa banyo.

   Nagmadali akong maligo. Lumabas ako kaagad ng banyo nang matapos akong maligo. Umupo ako sa harap ng salamin para magsuklay.

   "Pfft!" Sabi ng gorilya. Tinignan ko sya sa salamin.

   "Crazy! Ano kayang nakakatawa?" Nakita kong nagpipigil sya ng tawa.

   Tumayo na ako para isuot yung coat and tie ko.

   "Hahaha!" Di na nya napigil yung tawa nya at naaasar ako sa tawa nya ngayon.

   "Ano bang tinatawanan mo?" Di ko na napigil yung inis ko.

   "Ikaw!" Sagot nya at tawa pa rin ng tawa. Bwisit to ah! Ano kayang nakakatawa?

   Kinuha ko yung phone ko sa ibabaw ng side table. Tinignan ko kung anong oras na. 4:28 ang nakalagay? Napatingin ako kaagad sa wall clock namin. Parehas ng oras!

   Naningkit yung mga mata ko sa galit. Pinagtripan ako ng gorilyang kasama ko.

   "You bastard!" Sinugod ko sya at pinagsusuntok. Ang walangya tawa lang nang tawa. Hingal akong tumigil.

   "Bwisit kang gorilyang bangag ka!" Sigaw ko sa kanya. Hindi pa ako nakontento at pinagsisipa ko pa sya. Tawa lang sya ng tawa.

   "Kala mo nakakatawa yung ginawa mo? Yang mata mong parang antok palagi, dudukutin ko yan!" Gigil na gigil talaga ako. Bwisit na lalaking to! Tinaranta lang ako. Ako naman si tanga, hindi ko man lang tinignan yung oras.

   "Stop it Eros. Kumain ka na para maihatid na kita sa school mo." Awat nya sa akin. Sya kasi ang naghahatid-sundo sa akin kapag hindi sya busy.

   Tumingin lang ako sa kanya ng masama at lumabas na ng kwarto.

   Pagkarating ko sa kusina ay nakahanda na ang almusal ko. Hehehe, feeling reyna ako diba? Hindi kasi ako marunong magluto kaya sya ang nagluluto.

   Nagtimpla ako ng kape. Hindi kasi kompleto ang araw ko ng hindi nagkakape.

   "Bakit kape iniinom mo? Dapat gatas." Bungad nya sa akin sa kusina.

   "Why, do you care?" Pagtataray ko sa kanya.

   "Tss! Kaya hindi ka lumalaki eh." Umiling-iling pa sya. Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain.

   Pagkatapos namin kumain ay naghugas lang ako ng mga plato at umakyat ulit sa kwarto para magtoothbrush at kunin yung bag ko.

   Pumasok din sya sa cr para maligo. Sa sala ko na nga lang sya hihintayin.

   Di naman nagtagal at bumaba na rin sya. Shem's naman! Yan yung gusto kong outfit nya lagi. Plain white t-shirt and jeans. Kahit moreno sya ay hindi sya dugyot tignan.

Secretly Married To Kyrie Irving [Kyrie Irving Fanfiction Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon