Author's Note:
Ang kwentong ito ay base lamang sa aking mapaglarong imahinasyon. Kaya naman po, kapag mangyaring may mga katauhan, pangalan, lugar, o pangyayaring natutulad sa tunay na buhay ito ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
>>>>>>>>>>>>
PAUNAWA:
Ang aking isusulat ay hindi hango sa totoong kwento ng White House.
>>>>>>>>>>>>
PROLOGUE
Tuwing dumarating ang araw ng mga patay, kanya-kanyang katatakutan ang ipinapalabas sa telebisyon.
At isa ang siyudad ng Baguio sa mga lugar palaging napi-feature.
Anu-ano nga bang katatakutan at kababalaghan ang bumabalot sa lungsod ng Baguio?
Ilan lamang ang South Drive, Loakan, Camp Johnhay, Diplomat Hotel, Teacher's Camp sa mga lugar dito ang pinaniniwalaang pinamumugaran o pinamamahayan ng mga ligaw na kaluluwa o yung sinasabi nilang masasamang ispiritu.
Pero mawawala ba naman ang sikat na White House sa listahan?
Ang sabi sabi, may mga kaluluwang naninirahan dito. Pinaniniwalaan ding ang pamilyang nagmamay-ari ng bahay ay brutal na pinatay ng mga Japanese soldiers at ginawang kuta ang white house noong panahon ng World War II.
Mula noon ay wala ng nanirahan dito at pinabantayan na lang ng mga kamag-anak ng pamilya sa mga caretakers na nakatira naman sa labas ng bahay na nasa kabilang gilid lang.
Ayon sa mga kwento, tuwing pagsapit ng gabi, may maririnig na mga palahaw o mga iyak.
May maririnig ding mga yabag. Meron din daw babae na nakatayo sa may hagdan.
Ang lahat ng yan ay hango lamang sa mga kwento ng mga nakasaksi sa mga kababalaghang nangyayari at sa mga residenteng nakatira malapit sa tinaguriang White House.
Anu nga ba ang totoo?
At ano naman ang pawang kathang isip lamang?
Kaya naman, sama sama nating pasukin ang bahay at sabay sabay nating alamin ang katotohanan sa mga naglalabasang kwento.
TARA....
TULOY KA!
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...