Chapter 1

713 6 6
                                    

Napangiti si Byul nang mabasa ang huling mensahe ni Ryujin sakanya.

Ilang sandali lang ay makakasama na niya ulit ang nobya. Nagkaroon ng conflict ang schedule nila ngayong second sem kaya dalawa o tatlong beses nalang sila nagkakaroon ng oras lumabas, hindi gaya ng dati.

Habang naghihintay. Inalala niya ang unang araw na nagkita sila ni Ryujin at kung paano naging sila.

Flashblack

Isang malakas na hampas ng bola ang pinakawalan ng kalaban nila Hani sa volleyball tournament. Ngunit imbis na tumama ito pababa sa sahig ay dumire-diretso itong lumipad sa mga audience.

Isa sa mga audience na iyon ay si Ryujin. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi niya nagawang gumalaw sa kanyang kinauupuan at ipinikit ang mga mata.

Isang malakas na kalampag ng bola ang tumama sa kanyang braso para iiwas ang bola sa mukha ni Ryujin.

"Byul!" sigaw ng isa sa manlalaro.

Unti unting idinilat ni Ryujin ang kanyang mga mata at tinignan ng matagal ang mukha ng taong nagligtas sakanya.

Flashblack

School cafeteria, 12:25 am.

"Alam niyo? Napaka torpe ni Byul. Ngayon ko lang nakitang ganyan yan. Magiisang buwan na niyang crush yung babaeng muntik na matamaan ng bola ah? Ano nga ulit pangalan 'non? Ahh, si Ryujin." ang sabi ni Seulgi habang nilalabas ang notebook na hawak sa kanyang bag.

Napakamot naman si Hani sakanyang ulo. "Ewan ko ba dun. Pero famous din yun ah? Tropa niya kasi sila yeji eh."

"Ang ganda din kasi." sabat ni Kisum. "Matalino sana si Byul, bobo lang talaga dumiskarte. Tsaka bagay sila ni Ryujin, ano? Parehas hindi naglalaro ng volleyball pero tropa yung mga volleyball player." dugtong niya.

Ngumisi naman si Seulgi at sabay na nilapag sa table ang notebook na hawak hawak niya. "Ngayon lang na tanga yun. Tinamaan na ata kay Ryujin. Tsaka kung titignan mo inosenteng tignan si Ryujin kumpara sa mga nakaraang jowa at kalandian nun. Mukhang magseseryoso na 'tong tropa natin pag naging sila."

Lumingon lingon sa paligid si Seulgi na para bang may hinahanap. Wala pa si Byul sa pwesto nila pero hindi siya ang hinahanap nito. Agad naman tumayo si Seulgi nang makita niya ang taong kanyang hinahanap, dala dala ang notebook na nasa table.

"So anong plano sa buhay ni Byul? Magtitignan nalang sila, ganon?" rinig ni Seulgi na pagkakasabi ni hani bago umalis sa kanyang pwesto.

"Hoy gago san ka pupunta?!" sigaw ni Hani pero hindi siya pinansin nito.

Dirediretso siyang naglakad sa babaeng may dala ng tray na parang kabibili lang ng lunch sa counter.

"Ryujin? Sorry sa abala. Pero kilala mo naman siguro ako diba? Nga pala, notebook ito ni Byul. Yung taong nagiwas ng bola para hindi ka matamaan. Matagal ka na niyang crush." bungad nito at agad na inabot ang notebook kay Ryujin.

Kinuha naman niya ito at inilagay sa tray kasama ng mga pagkain. Wala itong sinabi at ngumiti lang bago tuluyang umalis.

Nilingon ni Seulgi ang kanyang mga tropa na nakanganga habang nakatingin sakanya at tsaka bumalik sa kanilang table.

"Tangina ka anong ginawa mo?" Dilat matang tinignan siya ni Kisum.

Natatawa namang sinagot siya ni Seulgi. "Hahahaha binigay ko yung notebook ni Byul na puno ng pangalan ni Ryujin."

"Hala, putangina! hahahahahaha." gulat na pagkakasabi ni Hani.

Sakto namang napansin ni Seulgi ang taong kakapasok lang ng canteen at pigil tawang turo niya ito sa mga kaibigan. "Ayan na si tanga."

Sabay sabay silang nagtawanan habang papalapit si Byul sa kanilang table. "Gago ka, Seulgi. Hahahaha." at agad na siniko ito ni Hani.

"Bakit lahat kayo nakangiting aso? Anong trip nanaman ba ginawa niyo?" nagtatakang tanong ni Byul nang makarating sa kanilang table.

Bago pa man na may sumagot sa kanyang tanong ay nakita niyang tumigil si Seulgi at nakanganga ito habang nakatingin sa ibang direksyon.

Tinignan naman ni Byul ang naging dahilan ng reaksyon ng kanyang kaibigan at nang makita ito ay para bang tumigil bigla ang kanyang mundo.

"Hala gago." natatarantang pagkasabi ni Hani nang makitang papalapit sakanila si Ryujin.

Nakatingin ito kay Byul habang hawak hawak ang notebook na binigay ni Seulgi sakanya.

"Hi, crush mo daw ako?" bati sakanya ni Ryujin.

End of flashback.

Stripped (Moonsun AU) (Stripped Series #1) [UNDER EDITORIAL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon